30 weeks pregnant.

Pangalawang pagbubuntis ko na po ito, cs po sa panganay. Mag 4 yrs old na sya sa feb. Kung kailan pangalawa na, tsaka pa ko ninenerbyos, kahit anong kalma ko gabi gabi pa din ako kinakabahan at nagiisip na sana safe kami ni baby sa Big day namin. Mga momsh help naman ano kaya dapat kong gawin para maging safe ang panganganak ko, at para di ako nerbyusin, baka kasi tumaas bp ko mapano pa ko.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pray and Trust our Lord 🙏 Mommy, ako last year na-emergency CS. Tapos nabuntis after ilang buwan (pasaway 😂). Scheduled CS ako this year 👍 Nairaos. 1yr and 2mos ang pagitan ng baby ko, both delivered via CS. Kaya mo yan. Wala naman mangyayari if mag-worry ka, masstress ka lang at si baby. Humugot ka ng lakas kay baby, sayo siya nakadepende. Nung manganganak ako, sinabi ko na lang sa mga doctor at anaesthesiologist, bahala na sila sa amin ni baby. Ipag-pray mo na lang din yung mga doctors na hahawak sayo, sana maging maingat sila at gabayan ni Lord, kasi pag nakahiga ka na doon, wala ka nang kontrol. God bless you! pati si Baby!

Magbasa pa