NUMBNESS (Pamamanhid)
Pamamanhid (Numbness) Ang pamamanhid o paresthesia ay nagdudulot ng kawalan ng pakiramdam, pagpapantig, o kirot. Ito ay inilalarawan din na parang nakakatulog ang mga sanga ng katawan tulad ng braso, binti, at iba pa. Ang pamamanhid ay maaaring magdala ng kawalan ng pakiramdam, kirot na parang galing sa tusok ng karayom at aspile, pangangati at parang nakakapasong pakiramdam. Ang madalas na pinagmumulan ng pamamandhid ay ang pagkaipit ng ugat [nerve]. Ang paresthesia ay maaari ring sintomas ng maraming mga sakit o kondisyon na nagdudulot ng pinsala sa mga ugat. Samantala, kadalasang ang pansamantalang paresthesia ay dahil sa mga aktibidad tulad ng pag-upo ng naka-exis ang mga binti o malayuang pagbibisikleta. Ito ay maaari ding mangyari dahil sa katamtaman hangang sa seryosong kondisyon sa buto na kalaunan ay nagdudulot ng pinsala sa sistemang nerbyos ng katawan. Sa iba namang mga kaso, ang paresthesia ay sintomas ng kondisyon na maaaring magdulot ng panganib sa buhay ng pasyente. Orthropedic na sanhi ng pamamanhid – May kinalaman sa karamdaman o kondisyon sa mga buto. 1. Pinsala sa likod o leeg 2. Bali sa buto o pagkakaroon ng benda na masyadong mahigpit 3. Degenerative disk disease 4. Herniated disk 5. Pagka-ipit ng ugat dahil sa carpal tunnel syndrome 6. Osteoporosis Take FERN D, MILKCA & FERN ACTIV!!! Ctto Gusto mo makadiscount? Purchase ka lang ng package lifetime discounted kana in all ifern products at kikita kapa ??? Message me HOW!!! 09568860381
Mommy of 3 fun loving cub