It is not cheating when it is done thru chatting

Palabas po ng sama ng loob 😭 OA ba ako mga momsh na magalit sa ganitong bagay? Yung husband ko kasi nakikipagchat ang worse nakipag vidcall pa dun sa babae tapos sasabihin niya di niya kasalanan ung babae nagpakita ng motibo at naghuhubad. Ang OA ko daw chat lng naman daw un pati madalang lang. Makareact at iyak daw ako parang nakaanak na sya sa iba. Di naman daw nakakabuntis ang chat. Hindi ko lang maatig ung mga nabasa kong kabalahuraan nilang dalawa tapos ngaun takot na takot sya na magpost shaming ako sa fb pinagtatanggol ung babae na wag ko nang iskandaluhin at laspag narin naman daw un nakakainis napakapavictim niya tangina. May baby na kami 5months old na first time niya maggaganito simula na ba ito ng pambababae niya? 😭 Edukada po ako kaya di ko papatulan tong babaeng ito kasi naiintindihan kong dummy account gamit ng asawa ko pero mali parin sya bilang babae na kakikilala lng ng lalaki ay maghuhubad agad agad sa kachat.

It is not cheating when it is done thru chatting
241 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I have a super super same case here. . Yung mama ko tsaka yung ex-LIP nya. .. The thing is, matagal na sila. They had 2kids together at malalaki na din. Ganyang ganyan ang reason nya kapag nahuhuli sya sa pambababae nya, sa chat nalang nmn yun, dko naman mabubuntis. Ilang ulit yun hanggang sa nasira na ng tuluyan pamilya nila. Why? kase pinaghiwalay ko na sila. Ako na gumawa ng paraan para maghiwalay sila dahil sobrang tanga na ng mama ko (panganay akong anak sa una nyang asawa) hindi na sya nirerespeto pati ng buong pamilya ni lalaki . At the moment, nasa pangangalaga ko ang panganay nila (16yrs old/girl) while yung bunso (11yrs old/boy) is naiwan dun sa papa nila. While si mama ngayon ay nasa ibang bansa, masaya, malaya . . Kaya momsh, habang maaga agapan nyo yan. Hindi yan basta maliit na problema lang . . Pwede lumala yan katulad ng nangyari sa pamilya ng kapatid ko.

Magbasa pa