It is not cheating when it is done thru chatting

Palabas po ng sama ng loob 😭 OA ba ako mga momsh na magalit sa ganitong bagay? Yung husband ko kasi nakikipagchat ang worse nakipag vidcall pa dun sa babae tapos sasabihin niya di niya kasalanan ung babae nagpakita ng motibo at naghuhubad. Ang OA ko daw chat lng naman daw un pati madalang lang. Makareact at iyak daw ako parang nakaanak na sya sa iba. Di naman daw nakakabuntis ang chat. Hindi ko lang maatig ung mga nabasa kong kabalahuraan nilang dalawa tapos ngaun takot na takot sya na magpost shaming ako sa fb pinagtatanggol ung babae na wag ko nang iskandaluhin at laspag narin naman daw un nakakainis napakapavictim niya tangina. May baby na kami 5months old na first time niya maggaganito simula na ba ito ng pambababae niya? 😭 Edukada po ako kaya di ko papatulan tong babaeng ito kasi naiintindihan kong dummy account gamit ng asawa ko pero mali parin sya bilang babae na kakikilala lng ng lalaki ay maghuhubad agad agad sa kachat.

It is not cheating when it is done thru chatting
241 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

CHEATING po yan. Kahit anong form pa. Magusap po kayo ng husband mo kung anong gustong nyang future, with you and your kid or without you. Mas maaga po mag magusap at hindi na tumagal pa yang ginagawa nya or yang relasyon nyo. Sabi mo nga po, edukada ka. Alam mo na mali yang ginawa or ginagawa nya kahit dummy account pa yan. Parang sa pag kakabasa ko po, in denial parin kayo na magagawa nya yan. Pero nagawa na nya. Kaya talk to him and pray to God po. Seek guidance. God bless

Magbasa pa