It is not cheating when it is done thru chatting

Palabas po ng sama ng loob 😭 OA ba ako mga momsh na magalit sa ganitong bagay? Yung husband ko kasi nakikipagchat ang worse nakipag vidcall pa dun sa babae tapos sasabihin niya di niya kasalanan ung babae nagpakita ng motibo at naghuhubad. Ang OA ko daw chat lng naman daw un pati madalang lang. Makareact at iyak daw ako parang nakaanak na sya sa iba. Di naman daw nakakabuntis ang chat. Hindi ko lang maatig ung mga nabasa kong kabalahuraan nilang dalawa tapos ngaun takot na takot sya na magpost shaming ako sa fb pinagtatanggol ung babae na wag ko nang iskandaluhin at laspag narin naman daw un nakakainis napakapavictim niya tangina. May baby na kami 5months old na first time niya maggaganito simula na ba ito ng pambababae niya? 😭 Edukada po ako kaya di ko papatulan tong babaeng ito kasi naiintindihan kong dummy account gamit ng asawa ko pero mali parin sya bilang babae na kakikilala lng ng lalaki ay maghuhubad agad agad sa kachat.

It is not cheating when it is done thru chatting
241 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

RED FLAG. Hindi niya alam ang salitang "cheating". Imbes na mag-apologize at iassure ka, ikaw pa ang pinalalabas na "hibang, nagbibintang, mali, tanga, etc.". Wala siyang respeto sayo at sa anak niyo, sa pamilyang binubuo niyo. Kung ako sayo, agapan mo na yan at iwan yan habang maaga. Save yourself sa mas masakit pang mangyayari sa future. Wag pumatol dun sa babae, may kasalanan man siya, hindi siya kasama sa pamilyang binuo niyo. Isa siya sa naging instrumento para matuklasan mo ang tunay na kulay at anyo ng lalaking minahal mo. Never ever makipaghuntahan sa kabit o sa babae ng mister mo kahit gaano kakati, sayang lang energy mo, wag mo ibaba ang level mo sa ganung klase ng mga babae. Kaya mo yan, magpakatatag ka. Bumalik ka sa mga magulang mo, surround yourself with people na tunay na nagmamahal sayo. 2021 na, di na uso ang martyr. Pray Ü

Magbasa pa