Mommies help!

Palabas po ng sama ng loob mommies. Yung kapatid po kase ng asawa ko harap harapan kong sinubuan ng tinapay yung 3month old kong anak. Para naman daw po makatikim anak ko. Sobrang sumama po loob ko na kahit asawa ko hindi manlang pinigilan yung kapatid niya. At paguwi namin dito sa bahay umiyak na lang ako. Tinanong niya ako kung bakit, sinabe ko po yung nangyare. Na parang napagtulungan pa ako. Ang ending po siya pa po yung umalis. Diba po dapat ako yung kausapin niya? Icomfort niya manlang. Pero hindi po eh iniwan niya kame ng anak namin dito. Mali po ba na magalit ako? Mali po ba yung nararamdaman ko? ๐Ÿ˜ญ#advicepls #pleasehelp

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

buti nalang wala akong asawa.. at kung meron man lalayo ako sa kamag-anakan nya... not worth it kung ganyan.. siguro mataas lang talaga ang ego at kumpyansa ko sa sarili kaya kinaya kong wala ng ama ang anak ko.. nilayasan ko... bahala na ang anak kong hanapin at kausapin ang ama nya pag laki nya.