Mommies help!

Palabas po ng sama ng loob mommies. Yung kapatid po kase ng asawa ko harap harapan kong sinubuan ng tinapay yung 3month old kong anak. Para naman daw po makatikim anak ko. Sobrang sumama po loob ko na kahit asawa ko hindi manlang pinigilan yung kapatid niya. At paguwi namin dito sa bahay umiyak na lang ako. Tinanong niya ako kung bakit, sinabe ko po yung nangyare. Na parang napagtulungan pa ako. Ang ending po siya pa po yung umalis. Diba po dapat ako yung kausapin niya? Icomfort niya manlang. Pero hindi po eh iniwan niya kame ng anak namin dito. Mali po ba na magalit ako? Mali po ba yung nararamdaman ko? 😭#advicepls #pleasehelp

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sabihin mo sa asawa mo hindi pa pwde pakainin ang 3 months old lalo na at tinapay pa talaga. Nakaka choke po ang tinapay. What if may nangyari sa baby niyo? Ipaliwanag mo po sa asawa mo na para sa kapakanan ng baby niyo yan. If may care talaga siya sa anak niyo, makikinig siya sa iyo. Kung pwdeng wag ka muna pumunta dun, wag na lang muna. Baby mo po yan, if may mangyari diyan, sure ako ikaw pa rin sisihin. Kaya ikaw na lang iwas momsh.

Magbasa pa