16 Replies

Non confrontational din ako like you, mommy. Pero pagdating sa babies ko, lumalabas ang kamalditahan ko. Wag mo iwan sa kanila. Wag mo ipahawak. Kung hindi sila mapagkakatiwalaan at baka may masama pang mangyari sa baby mo, then wala silang karapatang hawakan si baby. Your baby could have literally choked. Masmalala if the bread gets aspirated (ma-suck ni baby at bumara sa airway). There is a reason why you're not supposed to introduce solids so soon. Isama mo yang asawa mo sa pedia sa susunod at dun mo ikwento na pinakain ng tinapay si baby kung ayaw maniwala sayo.

sa palagay ko po, di dapat basta basta pinapakain ng kung ano-ano ang mga babies, lalong lalo na po at di nila ito anak.. sapagkat di nila alam kung may mga allergies ito.. at isa pa, 3 month old palang po c Baby, di pa hiyang ang digrstive system nya sa solid foods amd my yeast pa.. kung magkasakit ba c baby, sila ba maaapektuhan? khit ako po ay magagalit po.. tama nman po ginawa ninyo.. usap nlng po kayo ni hubby para ma intindihan nya po kayo bilamg nanay at ama ng anal nyo, careful din dpat xa kahit kapatid nya pa yun. kung mali, mali talaga.

Salamat mga mommies! Nagdecide na po asawa ko na hindi na muna namin dadalhin si baby sa kanila. Kinausap na po sila ng asawa ko and aminado naman daw po sila na mali. Pero masama pa po talaga loob ko mommies. Di mawala sa isip ko. Iniisip ko pa na bakit wala akong nagawa, bakit di manlang ako lumaban. Hays. Lahat ng pagiingat para sa anak ko mommies ginagawa ko, and i’m sure lahat naman kayo ganun. Tapos ganun lang gagawin sa baby ko. Salamat sa mga replies niyo mommies! ❤️ nakakagaan ng loob na may nakakausap ako.

mali naman talaga na bigyan ng tinapay ung 3 mos na baby.. kahit nga mga 9 mos na hindi pa pwede mag bread. Raulo naman nyang kapatid ng asawa mo! buti di nabulunan baby mo. wag mo na lang ipapahawak sa iba baby mo. idikit mo na lang sa katawan mo all the time. if they want to play with your baby, bantayan mo na para kang cctv. btw baka naman po kaya siya umalis para kausapin kapatid niya. di na niya ikaw na comfort kasi nag aalangan siya sa hiya sayo, syempre kapatid nia ung gumawa ng mali eh.

try to initiate po makipag usap sa asawa mo and ipaintindi sa kanya na di pwede yung gusto mangyari ng in laws mo na kung anu ano pinakakain. Explain mo na as advise ng pedia, bawal pa kumain ng 3 mos old. Sabihin mo na maaari sa kanila wala nangyari pero baka sa baby mo meron and you cannot risk it. If may mangyari ba sa anak nio sasagutin ba ng side niya ang pagpapagamot? Be firm momy. Ikaw ang nagbuntis, ikaw ang umire, ikaw ang nag alaga at ikaw ang nanay. Ikaw ang masusunod.

Sabihin mo sa asawa mo hindi pa pwde pakainin ang 3 months old lalo na at tinapay pa talaga. Nakaka choke po ang tinapay. What if may nangyari sa baby niyo? Ipaliwanag mo po sa asawa mo na para sa kapakanan ng baby niyo yan. If may care talaga siya sa anak niyo, makikinig siya sa iyo. Kung pwdeng wag ka muna pumunta dun, wag na lang muna. Baby mo po yan, if may mangyari diyan, sure ako ikaw pa rin sisihin. Kaya ikaw na lang iwas momsh.

VIP Member

Tama lang na magalit ka, mie. 3 months old pa lang ang baby, and siguro nga may mga parents na okay lang sa kanila pinapatikim ng solid yung ganun pa ka-baby, pero ikaw pa rin dapat masusunod pagdating kay baby. Dapat naintindihan ka ng hubby mo. Mag usap na lang kayo nang maayos pag pareho na kayo mahinahon.

buti nalang wala akong asawa.. at kung meron man lalayo ako sa kamag-anakan nya... not worth it kung ganyan.. siguro mataas lang talaga ang ego at kumpyansa ko sa sarili kaya kinaya kong wala ng ama ang anak ko.. nilayasan ko... bahala na ang anak kong hanapin at kausapin ang ama nya pag laki nya.

tama lang po na magalit ka. sakin nga po, naiiyak ako kasi pinapag tubig nila agad anak ko kahit newborn pa lang. para daw lumambot ang dumi niya. bahala sila diyan basta ako di ko gagawin ang mali at hindi aprubado ng pedia

Dapat lang na magalit ka mummy. Ikaw ang ina at ikaw ang nakakaalam ng kailangan ni baby. 4-6mos palang pwede magstart ng complementary feeding, mas okay kung 6mos. Mejo kulang sa information yang asawa mo at kapatid niya.

ayy naku mommy ! walang kama-kamag-anak pagdating sa kaligtasan ng anak ! magalit na si partner kung magalit ! dahil walang magagawa galit nya kung may nangyari sa baby nyo!

Trending na Tanong

Related Articles