MOOD SWING! Turning 8months.

Palabas lang po ng sentimyento mga mummies, hindi ko alam pero bigla bigla na lang ako nakakaramdam ng sama ng loob, tampo, pagkabagot tapos iiyak na lang po ako. Parang depression! Nagiging msyadong sensitive po ako simula ng nagbuntis ako, hindi naman ako dating ganito. ? ang hirap lang labanan nung ganitong pakiramdam, parang narerelieve lang ung pain na nararamdaman ko kapag nai-iyak ko na.. pero sabi nila masama daw sa buntis ung madalas na pag-iyak. Can't help it talaga! Gusto ko na kumilos ng normal, gusto ko na kumilos ng maayos ung wala ng pain na nararamdaman. Naramdaman ko to nung nasa 1st trimester ako, then 2nd trimester naging okay ako.. 3rd trimester ko na bumabalik na nman ang mood swing ko. Konting bagay kinaiinisan ko, iniiyakan ko, konting kilos pagod na agad ako. ? minsan parang gusto ko ng sumuko. I feel depressed! ??? kaya mas minabuti ko na lang manahimik most of the time kesa may masabi akong hindi maganda. ? kaya lang ang bigat sa pakiramdam na hindi mo mailabas din ung saloobin mo dahil ang totoo hindi mo naman talaga alam kung ano ung sasabihin mo. ?? biglang papasok ung pakiramdam na parang hindi na ko masaya. ??

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pray momshie it helps ganyan din ako eh lalo ngaun sumasabay pa ang ECQ 😇