ABOUT MY LIP

Palabas lang po ng sama ng loob, 5 years na kami ng LIP ko at may 1 anak at ngayon I'm 32 weeks pregnant. Before mag lockdown, ok po kami. Naka WFH din po kami parehas. Nag decide po syang bumili ng bike since limited lang ang transpo, sabi nya magagamit nya yun para mag grocery. Fast forward po. Nagresign sya sa work nya. Kasi ang sabi nya mas gusto nya mag mekaniko ng bike dahil nalilibang sya at mas nag eenjoy sya, nag apply sya sa malapit na bike shop dito samen at ang arawan nya po ay 200 a day. Kung ikukumpara ko po yung sahod nya noon sa ngayon, talagang sobrang mag kaiba. at ngayon po may times na wala syang pera, kada sahod nya nagbibigay sya saken pero nababawi nya din dahil palagi syang humihiram. Nabarkada at everday umiinom, ang pasok nya po is 9am uuwi sya ng 10pm. Ngayon magkaaway kami dahil palagi syang lasing, sobrang depress na din po ako, di ko na alam gagawin ko. nakapag decide kami mag lipat sa mas murang kwarto na malapit lang sa bahay ng parents ko, habang nag sasagutan kami, sinabihan nya ng KUPAL ang magulang ko at sinabihan nya ko ng masasamang salita. Naiiyak na lang ako sa sobrang depress. Pls help, di ko na po alam gagawin ko. 😭

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Momsh, under the influence of liquor kase ata si partner kaya nya nasabi yun. Normally diba pagnappabarkada at napapainum ang mga lalaki dahil may problema din sila? Try nyo magheart to heart ni partner mo para mas maintindihan mo din sya. Baka naman di sya talaga nagresign.. yun lang din ang sinabi nya para sa ego nya. Tapos sabe mo nga sobrang malayo ang kinikita nya ngayon sa dati. Baka yun ang problema nya kaso nga, ang way nya ng pagharap eh ang pag inum. Di naten alam. Try to understand each other. Itaon mo na di sya nakainum pag usapan nyo ng maayos.

Magbasa pa