Palabas lang po ng nararamdaman ko. Sorry kung mapapahaba.π₯Ίβ₯οΈ Gusto ko lang talagang ilabas tong nararamdaman ko kasi parang hindi ko talaga kakayanin and takot/ ayaw ko magshare sa iba dahil alam ko na may iba sa kanila na hindi ako maiintindihan. Kaya dito nalang.
Meron akong isang anak na baby boy and 3 years old na sya now ok naman sya sobrang healthy, and netong feb. lang nalaman ko na delay ako so agad agad akong nag pt 2 para sure, and positive nga sya. Nagpacheck up agad ako kahit na 5 days delayed palang kase positive naman yung nasa pt and regular ako nagkakaron. Tapos nun 1rst ultrasound ko is sabi ng doc ok naman lalo na yung heartbeat nya pero meron to follow up na (thickened nuchal tranlucency) sabi nya nun wla naman daw kaso ,π₯Ί derecho check up nako nun sa lying in ako nagpacheck up since dun din ako lagi nagpacheck up sa first baby ko. Pinakita ko yung ultrasound ko and sabe naman nya sa result about nga dun sa thickened is kung may lahi ba daw na kuba? Sabi ko wala naman po. Then after that paguwi sa bahay, yung result sa ultrasound ko is nagsearch ako sa google, and sobrang nalungkot ako kase possible na kaya lumalaki yung batok ni baby which is yun nga yung( thickened nuchal tranlucency) is possible na ds yung baby ko pero nagstay positive lang ako nun kase meron din naman ako nabasa na mga ilang mommies na nung 2nd ultrasound nila is naging ok din naman, so naging panatag ako na baka magbago din yung akin. Buong 1rst trimester ko di ko mapigilan na mag-isip kase naawa ako sa baby ko if ganun nga ang result inisip ko agad paanonyung future nya? Mabubully sya etc, pero inisip ko nalang nun kung yun ang ibibigay ni lord tatanggapin ko kasi di lang naman ako ang magdadaan sa ganun marami and tinanggap nila and sobrang bless nila. Tapos ayun na nga mga mii kahit wala sinabi yung midwife na magpaultrasound ako, nagpaultrasound parin ako kasi gustonkonmalaman if may nagbago na ba? And sobra sobra akong nasaktan sa result, na accept kona nga yung first result pero meron pa palang mas ikakasakit, pagkalagay palang ni doc sya tyan ko kita ko na agad yung reaction nya na feeling ko negative ang result. Ito na nga nakitaan si baby na may tubig sa lungs, fetal hydrops, and edema. Sobrang sakit mga momsh, sabi sakin ng doc si ob nalang ang magpapaliwanag and kapag lumabas sya marami pang problems na makikita. Parang gumuho ang mundo ko nun natutuliro ako. Kung pwede na saakin nalang e. Pag uwi sa bahay nag search ako agad kung ano bayun dito ko na talaga nilabas lahat. Na kapag fetal hydrops is low chance lang sila maka survive it's either before or after birth kung mailabas ko man konting oras lang yung itatagal Sobrang sakit mga momsh, yung napapanuod ko lang minsan dito sa facebook or tv pero di ko aakalain na mangyayari din pala sakin, napapanuod ko palang sabi ko if sakin magyare hindi ko kakayanin.π₯Ίπ₯Ίππ Sobrang sakit mga mii. Di ko maisip na mawawala sya na akin kasi ito ramdam na ramdam ko pa syang sumisipa, sobrang active, hindi ko naiisip na mawawala sakin anytime.πππ Ang sakit sakit.ππ Nung pinabasa ko na din sa ob ko ganun parin. Tinanung nya ko if magkaiba ba kami ng bloodtype ng parter ko pero parehas lang naman kaming o. If magkakaiba daw nagtatalo daw and naaagaw ni baby. And kung may sakit ba daw ako like sa heart sa lungs pero wala din. And ayun nga dahil yun sa chromosoms na hindi nag meet ng maayos. And walang cure duon kundi magwait and accept nalang. Naiiinggit ako sa mga kasabay ko magpacheck up naririnig ko na normal yung sa kanila tapos ako mag-aantay nalang.ππ₯Ί Ang sakit sakit mga mii. Yung tipong nag-uumpisa palang ako bumili ng gamit pero hindi ko lubos maisip kung magagamit ko ba? π₯Ίπ Hugs mga mii. ππ₯Ί sorry kung napahaba. Gusto ko lang din mailbas. π₯Ί
Shirly Rediang