Mapagsumbat na asawa

Pakiramdam ko sinusumbatan ako ng partner ko sa mga nagagawa nya para saamin ng anak nya na parang di nya responsibility o obligation yung ginagawa nya, never ko naman sya sinumbatan kahit sa totoo lang parang sarap na nga ng buhay nya hindi ko sya pinapressure magtrabaho at magbayad ng mga bills. Gusto ko rin manumbat pero alam kong walang patutunguhan, mag aaway lang kami. Gumagalaw naman sya sa bahay pero pag gusto nya lang at ayaw nyang nauutusan, kailangan gagawin nya kusa. kasi pakiramdam nya ata gusto ko lang sya utusan. WFH ako, tas di ko pa sya maasahan sa baby namin, ako parin full time, pag iniiwan ko sakanya saglit kapag may calls ako maririnig ko iiyak at naglalaro lang sya sa cp. Tapos ngayon biniro ko lang kasi nga may mens ako sobrang bigat ng katawan ko at kakapahinga ko lang from asikaso tas sabi ko ikaw naman magpaligo kay baby, never mo pa sya napaliguan since birth (in a pabiro way) tapos sabi nya, bat ikaw naipagmaneho mo na ba yan? di mo pa nga naipagmananeho yan eh,nainis ako sa sagot nya na parang sinusumbat nya pati pag ddrive nya. kaya sabi ko "ay ganun? bakit marunong ba ko mag drive? ikaw, di ka ba marunong maligo?" tapos sagot nalang nya "oo" di ko maiwasang makaramdam ng disappointment. na parang ano ba tong lalakeng to. hays nakaka frustrate at stress.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I’ve been there lahat ng masasakit na salita natanggap ko lahat naisumbat sakin ultimo pre natal vits na binibili nya sakin nung pinagbubuntis ko pa si baby naisumbat nya sakin kasi di ko daw sya tinutulungan kasi batugan ako at ayaw ko daw mag work (hindi ako pwede mag work kasi naging maselan pag bubuntis ko nung 1st trimester) pinaintindi ko sakanya lahat nakipag communicate ako ng ayos sakanya and eventually naintindihan nya at naging ok ang lahat. Try mo mommy ipaintindi sakanya yung situation mo if walang pagbabago much better focus ka nalang kay baby kasi kung iintindihin mo pa sya masstress ka lang lalo plus sabayan pa ng pagod mo sa work hindi magiging maganda outcome non sa health mo physically and mentally. Baling mo nalang atensyon mo kay baby mii laban lang 💗

Magbasa pa