1 Replies

Ganyan din ako mii nung first few days ko mag bf last week, talagang nakapikit na mata ko saka ngiwing ngiwi ako, nagulat yung mga nurse pagpasok ng room namin kase nga sakit na sakit ako. Sanayan lang. Mababa tolerance ko sa pain, isa lang lagi sinasabi ng mga anes saken pag nag undergo ako procedure na may anesthesia, hypersensitive daw ako. CS din ako. Pero ito kinaya naman breastfeeding one week na. Ang turo ng mga nurse lagyan lang ng virgin coconut oil ang nipple pag nagkasugat sugat na, akin di ko pa natry although on my second day talagang dumugo na nipple ko. Baby boy nga pala ang akin, mas aggresive daw talaga sabi nila. Wala akong ibang ginawa, warm compress lang saka cheering at support ni hubby ☺. Yung vco pala ok lang daw makain ni baby sabi ng mga nurse, doc din daw nagsabi nun.

ipilit po ninyong ipa bf si baby momsh. bukod sa mabigat sa bulsa and bottle feeding, mas mapupuyat pa po kayo kaka prepare sa kalagitnaan ng Gabi. tiisin niyo po isang linggo. ganyan po talaga yung ibang nipple mi. at isipin po ninyo na , sa bawat dede ni baby,nakakatulong po ito para makapag recover ulit si uterus at babalik sa dating sukat nito. pakatatag po mi..kaya ninyo iyan.

Trending na Tanong