TIPS FOR YELLOWISH BABY :)
PaHelp nman Po ..Bka may gusto pong magsuggest Kung ano Ang mabisa at mabilis na gagawin para sa yellowish baby. Sa ngayon Po NASA ilaw Po sya. Thank You Po! Gusto na ksi namin makaalis dito Kasi marami nang turok Yung anak ko ,di marunong kumuha Ng dugo! #firstbaby #1stimemom
everyday nyo lng po paarwan c baby...ung isa q po anak ganan din xa nun..pinailwan din sa hospital kung san aq nganak..pero wla nmn problema sa lahat result ng lab s knya...kya nung nkalabas kmi bg hospital...araw araw lng xa pinapaarawan..
Ganyan din baby ko sa may lying in lang ako nanganak inuwi lang namin ng bahay tas pinapaarawan hinuhubadan diaper lang tinira tapos more on pa breastfeed. so far sa awa ng dios ngayon 1month old na siya at di na siya kulay dilaw.
ganyan din baby ko nung pagkalabas nya na NICU sya for 3days inilawan lang nila sa awa ng diyos ok na baby ko ngayon nakalabas na sya and continue araw2 ko inaarawan baby ko ππ Ang tawag pla nyan ay juandice mamsh.
ganyan din Po baby ko nun,7 days sya na nka ilaw at after nun ngpa discharge na kmi para umuwi.pina arawan lng nΓna Lolo nya.kpg Pina arawan nyo Po dapat walang suot si baby dapat diaper lng.ngayon 11 yrs old na sya.
mommy sa first baby ko po, mas pinili ko po na umuwi nalang ng bahay, then every morning pinapaarawan ko talaga siya at brestfeed mo lng the best na gamot yun. Pero nasayo padin po kng magstay pa kau ng hospital.
mommy, hindi naman po sa hindi marunong kumuha ng dugo. mahirap kasi talaga ugat pag newborn, dehydrated din kasi kaya nagsishrink yung mga ugat. ang paninilaw po hindi naman yan agad-agad mawawala.
ganyan din ang baby ko dati almost 1week kmi nsa ospital. dmi gamot at turok sa knya. gusto p kmi p extend pero umalis nlng kmi at ngwaiver. pinaarawan ko nlng xa kc ndi nmn n xa ganun yellow
ganyan din po baby ko di naman naadmit. gang ngayon medyo yellowish padin sya. pinapainitan ko lang sya every morning. medyo nawawala na pagka yellowish nya. 11 days old na sya today
Kung nasa hospital p rin po kayo. Hayaan nyo lang po na babad sya sa photo therapy(yung blue light) tapos lagi siyang nakaka breastfeed. Nagkaganyan din anak ko habang nasa NICU.
doctors po ang makakapag bigay ng tamang advise lalo na alam nila ang cause. yes nakakatulong po yung pa ilaw sa hospital and pag nakauwi na bilad sa araw before 8am