Send some advice pls
Pahelp naman po kung paano ko pagsasabihan in a nice way si MIL pls. Mabait po MIL ko wala naman akong masabi dun at sobrang mahal dn nya apo nya. Kaso nagkkproblema ako skanya lately. Mahilig kc mgpicture at mgvideo si MIL, as in. Nung nanganak ako nasa hospital pa kami puro picture sya at video tipong lahat ng prosesong ginagawa sakin vinivideo nya tapos uupload nya khit sobrang pangit ko nung time na un. Even pagkakuha dun sa birth cert ni baby pinicture dn nya at inupload sa fb kita lahat ng info namin dun. Kauwi sa bahay nila mama ko (dito muna kami kina mama nagsstay) sumama sya wala naman problema dun kaso worry ko lang kc binubuhat nya si baby sa isang kamay tapos ung isang kamay hawak2 nya cp nya nagvivideo at nagppicture non stop. Pag kukunin ko naman si baby ganun pa dn lahat ng kilos namin nakavideo o picture. Magpapadede ako (breastfeeding), change diaper, change damit, lahat vinivideo nya, sa part na un napagsabihan kona wag iupload kc baka kita pepe ni baby pati boobs ko dun sa video. Pero hndi dun natatapos. One time binisita nila kami tapos inuubo pa pala sya (sabi nya wala na syang ubo pero nung andito na inuubo parin) nung una naka facemask sya pero nung mgseselfie na ulit sya kasama si baby inalis na nya facemask nya. Hawak si baby sa isang kamay ung isang kamay nagpipicture o video. Kung nakalapag naman si baby tutok na tutok ung cp nya sa mukha ni baby kakavideo at picture nya kamuntikan pang mahulog cp nya sa mukha ni baby π€¦π»ββοΈπ€¦π»ββοΈ Gusto pa nya ikiss kaso sabi ko wag muna bawal pa kc nga may ubo sya. Which is dapat automatic alam na nya dapat un dba π€¦π»ββοΈtapos hindi nga nya hinalikan pero buhat buhat nya tapos non stop syang nakikipag kwentuhan at nilalapit pa mukha nya sa mukha ni baby kinakausap nya (wala pa dn syang facemask at inuubo kahit pinipigilan nya ung pag ubo nya andun pa dn naman ung virus dba). Gets ko naman na sobrang mahal at miss nya apo nya pero isipin dn nya ung safety ng apo nya hindi lang ung pansarili nya. Hindi porke miss nya pupuntahan at kakargahin nya. Hindi po ako maselan na tao pagdating sa baby ko pero ibang usapan na kc pag ubo na. Kinukuha ko naman si baby sa kanya pero kahit ako ang may buhat kay baby nakadikit pa dn sya samin at nilalapit pa dn nya mukha nya sa mukha ni baby at kinakausap nya. Advice pls π ayoko maging rude sakanya tinatry ko naman sya pagsabihan pero ang hirap lang kc pag nasa sitwasyon ng ganun. Tuloy parang natrauma ako tipong pag sinasabi nyang bibisita sila dito iniiba ko ang usapan. Parang ayaw ko muna syang bumisita dito kahit wala na syang ubo ngayon. Am I being too sensitive? π