tired of taking care of my baby
pagod na ako mag alaga sa baby ko 3 month old. gusto ko ba bumalik sa work. nafeel nyo rin ba to
Same here mhie, nagi-guilty nanlang ako pagnakakaramdam ako ng inis 3mons na rin si LO puro karga at napakaiyakin, busog naman, matutulog na lang iiyak niya pa .Hayst! kakapagod! 🥺pero iniisip ko na lang mahal ko ung anak ko kaya kakayanin ko kahit gaano pa kahirap alagaan, hiniling ko siya na dumating at pinagkaloob sakin kaya kahit anong pagod pagnakikita ko naman siya malusog at masaya nakikipaglaro minsan nawawala lahat ng pagod ko.♥️
Magbasa paMii sa ngyon naiisip mo lang yan ganyan talaga tayong mga mommies napapagod din,pero ako non share ko lang dahil nga anjan si nanay ko to take care of my children after ng leave ko bumalik ako sa work kaya ung bunso ko dko gaano naaalagaan nung months old sya pag morning at night ko nalang sya naaasikaso ngayon namimiss ko yung mga moments na hinehele ko sya mag2years old na kase sya now..enjoyin mo sya mii mabilis lang lumaki ang mga bata 😊
Magbasa paSa baby ko may times na napapagod talaga ako kase nagaadjust pa ako para sa kanya. Gusto ko din magtrabaho para mabigay ko lahat ng gusto ko para sa baby ko pero at the same time ayoko naman syang iwan or ipaalaga sa iba. Wala pang 1month si baby kaya adjusting period pa talaga. Di ko pa rin maimagine kung pano ako babalik sa work. Malakas separation anxiety ko eh kung pwede lang dalhin din sa work si baby 😭😭😭
Magbasa paganyan din po ako.. nsabi ko yan sa sarili ko.. pero pag tinititigan ko yung baby ko, nbabago pananaw ko..iniisip ko pa lng na patapos na maternity leave ko, nlulungkot n ako.. kc minsan napapagod tau lalo pag iyak ng iyak sila, pero naisip ko rin n may msakit sa knila minsan na h di nila masabi kya kawawa sila.. tsaka ayoko lumaki sia tulad ng kinalakihan ko, kya yung change dpat sakin magstart.. do it with love, iba ang pgging isang ina
Magbasa paWhat bottle po ba do you use Mommy kaya ayaw ni baby mag dede? I would recommend Mommy to avoid nipple confusion if he is having hard time mag feed via bote. Choose a bottle like pigeon peristaltic. Baby ko kasi ayaw nya magdede sa bote, gusto dede ko lang. Until a mommy group sa iba suggested na yung pigeon peristaltic ang itry ko cos its shaped like our dede kaya gusto yun ng most babies cos its wide neck. Try mo Mommy.
Magbasa paYes napapagod ako as in pagod hapong hapo, pero di ko naisip agad magwork kasi mas iniisip ko paano si baby pag wala ako? Iisipin mo maaalagaan ba sya ng mabuti doon sa pag iiwanan mo habang nagwowork ka? At saka tinatak ko sa isip ko na hindi sila habang buhay baby, ganyan ako sa 1st born ko 3yo na sya ngayon then eto may 2months old ako, imagine toddler at 2months old sabay kong inaalagaan nagiging supermom ako ng di ko namamalayan 😅
Magbasa pasame feeling when my baby was a newborn, sobrang gusto mo nalang na lumaki na siya agad kasi wala kana magawa kundi maghintay siya makatulog, magpuyat, magpadede, magpalit ng diapers, tas naiinis ka sa partner mo pag nakikita mong tulog, ansarap makipaghiwalay lagi naiisip, pero ngayong 3months na siya, nakikipag interact na siya, tumatawa, namimiss ko siya kapag tulog, o kaya gusto ko na matapos work ko para makatabi nako sa kanya huhu
Magbasa paI never thought about it mommy. 9 months na si baby ko.. wala kami katulong or magulang namin na malapit sa amin. minsan mainitin ulo mo since syempre yung puyat e nandun talaga pero isipin mo nalang napaka swerte mo kasi nabigyan ka ng isang blessing na sa iba e hirap magkaroon. Ako pag minsan nagiging mainitin ulo ko, tinitingnan ko nalang anak ko at nagsosorry ako at syempre nagpapasalamat ako kay Lord na binigyan nya ako ng baby.
Magbasa pagrabe magkapagsalita yung iba. Okay lang Yan mommy . okay lang Po mapagod. commucation and connection... kausapin ninyo Po si baby at iparamdam kung gaano ninyo siya kamahal at for sure you will also feel it at kahit pagod happy. Kain ka Po ng favorite foods mo paminsan. listen to your favorite song habang nagpapahele. Make sure okay ka para okay si baby. YOURE MADE FOR THIS MOMMY! YOU ARE ENOUGH AND YOU CAN DO THIS! Let's go mommy!
Magbasa paNakakapagod talaga yung ganyang unang 3 buwan. First time mom din ako, sabay din kami umiiyak ni baby minsan sa sobrang pagod, tama ang sabi nila na magbabago din ang baby, ngayon 4 months na si baby naeenjoy ko na ang time sa kanya ayaw ko na nga bumalik ng work eh pero kailangan ng pambili ng milk at diapers hehe. Laban lang mommy! Masarap kapag nakikita mo ng nginingitian ka ng baby mo. Trust me sobrang nakakatunaw ng puso 🥰
Magbasa pa
Momsy of 1 handsome boy