NAGUGULUHAN SA NANGYAYARI SA KATAWAN
May pagka praning ako netong mga nakakaraan. Bigla kasi di na lang sumakit un boobs ko. 11 weeks ako today. Lagi naman ako nanunuod sa youtube ng mga weekly development ni baby kaya lang minsan may nasasalit na mga missed miscarriage per week din nangyayari napapanood ko din minsan. Ngayon napapraning ako. Kasi diko na naramdaman un pag sakit ng boobs nga. Baka mamaya kung ano na mangyari kay baby sa tummy ko. Sorry po sa paging nega. Natatakot lang ako maulit un nangyari 2 years ago ng makunan din ako. Please enlighten me po.
Pregnant at the moment ?