Ok lang ba naka tagilid matulog ang 4 months baby?

Pag tulog ng nakatagilid

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Anak ko po simula nung wala pa syang one month natutulog na ng patagilid. Pero paminsan lang po. 4 months na rin po baby ko ngayon at medyo dumalas yung pagtagilid niya lalo na pag nag side lying position kami pag dumedede siya sakin. Wala naman po sigurong problema basta babantayan niyo lang po at wag hayaan padapa matulog kasi baka mahirapan huminga. Kung worried pa rin po kayo pwede niyo naman po siya iposition ng patihaya. Yun pa rin po talaga ang safest position ng pagtulog ng baby. 🙂

Magbasa pa