curios

pag nakiki laplapan kaba may chance parin na mabuntis ka?

276 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mga mamsh, eto na naman tayo sa pagtawa sa mga tanong na ganito. Kung babasahin nyo ibang posts nya, bata pa si ate girl. Nagtatanong sya kasi hindi nya alam anong gagawin. Instead of making fun of her and scolding her, sagutin muna nang maayos at pangaralan natin in a civilized manner. So una po, wala pong nabubuntis sa laplapan. Pero kung nadala kayo sa laplapan na yun at nagkaroon ng penetration ng penis sa vagina, then yes, nakakabuntis yun. I read your older posts and 2weeks ka nang delayed. The best way to determine if you're pregnant is to take a pregnancy test. Mura lang yun. Sa generic may less than Php50 sila, it does the job naman. Para mapanatag ka. Wag ka rin maooffend sa mga comments dito ha. May point din naman sila. You're too young pero gets ko na curious ka. Nasa age ka na nageexplore ka pa sa changes sa body mo. Di pa tapos ang puberty stage mo, bebe. So normal yung curiosity na yan. BUT, you have to be responsible. Isipin mo lagi na whatever you do, meron laging consequences. And hindi madali ang consequences ng mga bad decisions. If di mo mapigilan ang tawag ng laman, do your best to study how to responsibly and safely do it. No glove, no love. Ganun. Go get that pregnancy test para mapanatag ka po. Ingat-ingat next time.

Magbasa pa
5y ago

hindi pala pwedeng i-copy 🤣 kw nalang mgrepost momshie. kase yung iba hindi alamn bata pa sya. nakita ko din profile nya naawa akong nabibwiset. walang kamuwang muwang sa mundo tapos mabubuntis nalang kwawa lang mgiging baby nya.

Ateng Unang una sa lahat di ka namin binabash pinapangaralan ka namin sa mga nababa mo dont take it as bad comment, pero ineng ang pagbubuntis di parang naglalaro kapa, di rin parang nagbabahay bahayan kana may anak at asawa ka, hirap magbuntis lao na at bata kapa yung bahay bata hindi pa ganon ka develop sa ganyan edad, yung pag memens mo sana naman magkaroon kana dahil sa edad nayan masasabi ko sayo hindi kapa handa hindi din ganon kadai maging nanay, kung akala mo ang pag aalaga e madali lang hindi dahil pagkatapos mong danasin lahat ng pagiging sensitive ng buntis lalo na at KINSE kapalang dimo kakayanin panganganak palang after mopa manganak yung sakit at puyat pa na mararansan mo kaya ineng Aral ka muna yung ng 20 anyos natatakot oang mabuntis kung dipa handa ikaw pa? Kaya ineng huwag ka muna gumawa ng bagay na iniisp molang madali.

Magbasa pa

Manifestation of having lack of education about these things. Walang nabubuntis sa laplapan lang iha. Sana yung pagiging curiousity mo ay gamitin mo sa tama. Like paano ang hindi mabuntis nang maaga. Dapat knowledgeable ka na ingatan at responsable ka sa sarili mong katawan. Walang kaso ang pagbo boyfriend ng maaga pero dapat nasa lugar at limitasyon. I'm telling you, 3rd year high school lang din ako nun nung nagkaroon ako ng 1st boyfriend and we secure each other na kapag handa lang kami saka lang namin gagawin ang ganong bagay at yung 1st boyfriend ko ay siyang asawa ko na ngayon. Wag mo sanang masamain pero unahin mo ang pag - aaral at isipin muna paano makatulong sa iyong magulang bago makilaplapan.

Magbasa pa
VIP Member

Big no. Unless may sumobra pa dun. Pero be wag muna. Napaka hirap ng buhay. I gave birth at the age of 19. Akala ko madali lang, may work naman si boyfriend, mag aalaga lang ng baby. Ganun. PERO DI PALA. Sobrang hirap kasi hindi na lang sarili mo iisipin mo nun. Iisipin mo nun lagi si baby. At pinaka nakakatakot at sobrang hirap na part sa pagiging ina is pag may sakit si baby mo. Di mo kakayaning makitang nahihirapan siya. Kawawa. Mahirap. Kaya wag muna. Enjoy ur life. YOLO! Wag muna maaga pa. Wag mong antaying may pagsisihan ka. :) Baby is a blessing. Pero mas magandang pakinggan if blessings din yung ibibigay mo sa baby mo.😘

Magbasa pa

Masarap lang gumawa ng bata iha pero mahirap at mahal mag alaga ng bata. Hospital bills pa lang pati mga bakuna, damit, diaper, gatas, gamot, vitamins ang mamahal na kaya wag maghulos dili ka iha. Hindi ka namin hinuhusgahan ah, base lang sa tanong mo at sa nasa profile mo. Bata ka pa, 15 ka pa lang iha. Marami ka pang pwedeng gawin sa buhay. Please iha mag focus ka muna sa pag aaral para mas maganda yung kinabukasan mo. Kawawa si mama tsaka papa mo o kung sino mang nagpapa aral sayo. Blessing ang bata pero mas magandang mag kaanak kapag ready na kayo pareho ng asawa or partner mo.

Magbasa pa
VIP Member

Jusko. Mag aral muna day bago makipaglaplapan ha? May sex education na ngayon ang mga bata. Dapat alam mo na yan. Tsaka, magtanong ka rin sa mama mo. Alam niya yan. Walang nabubuntis sa kiss. Mabubuntis ka lang pag pinasok yung ari ng lalaki sa ari mo tapos nagkaron ng ejaculation. May mabubuo nun, lalo na kung ovulation mo. Kung hindi ka pa nagkakaron, mag pt ka para sure. Tapos wag mo nang ulitin yan. Mag aral ka na lang muna. Wag mong sayangin yung pagkakataon mong mag-aral.

Magbasa pa

ive just read ur previous posts.. advice lng iha, if sa una nkaligtas ka from early pregnancy, this time mag isp muna bgo nyo gwn ult ng bf mo un.. walang nabubuntis sa laplapan lang.. pero dun mag uumpisa lahat pra lumobo yang tummy mo.. accdg. sa post mo dti 15 ka lng.. believe me iha d pa handa ktwan mo pra mabuntis..di biro ang pgdadaanan mo. aral ka muna.. ddtng dn ung time na nsa right age ka na pra mgkababy. God bless

Magbasa pa
VIP Member

Sumakit yung ulo ko hija. Siguro naman may sex educ naman sa school para malaman mo kung pano mabuntis kasi 15 ka na. High school ka na for sure. Hai. Tsaka wag ka mag madali. Bata ka pa. Kung di mapigilan ang tawag ng laman edi mag condom. Kung walang pambili edi withdrawal. Kung di marunong edi wag makipag sex. Ganun lang yun. Matatakot na mabuntis pero patuloy sa ganung gawain. Literal na simakit ulo ko.

Magbasa pa

kung kiss lang di ka mabubuntis nun but you can get other diseases.but girl you're too young to explore those things.magbasa ka to enhance your knowledge.kesa yung mga ganitong bagay asikasuhin mo,intindihin mo muna pag aaral mo at magtapos ka.hindi madaling mabuntis at lalong di madaling maging ina mawawala freedom mo gumala at gumimik kasi mas priority mo ang anak mo.

Magbasa pa

nako iha,sa edad mo na yan dapat curious ka lang sa kung anong course kukunin mo sa college,naka kita ako ng reply mo sa nag tatanong kung sino single parents dito you're saying 15 y.o and you're 2 months delayed? now you're here asking kung nakaka buntis ang laplapan???sorry ha...feel free to correct me if im wrong,,

Magbasa pa