pag di pa kasal yung couple tas mag kakaanak sila yung bata still mothers surname ang gagamitin?
dati hindi pwd gamitin ng baby ang surname ng father kpg di kasal.pero ngaun pwd na..pwd na i acknowledge ni partner si baby.punta ka lang sa city hall dun ang process
pwde gamitin ung sa partner mo. bsta ready nya ung cedula tska ids nyo. then may pipirmahan ka nman na ina-allow mong gamitin ng baby nyo ung surname ng partner mo
pwede n po un sa tatay need lang nyo mag fill up ng docs sa ibibigay sa inyo ng med records ng hosp. parang with consent nyo na gagamitin nya surname ng father.
Pwedeng oo pwede din naman na apelyido ng ama. Depende sa mapag kakasunduan nyo. Kung alam nyo naman na forever na kayo e di iparehistro na sa apelyido ng ama.
Pwede na gamitin ngayon surname ng father nya basta sya lang magpapa register tapos may affidavit yon na ginagamit ng baby ang surname ng father nya.
in my case, ginamit yung surname nang daddy nya kasi hindi pa kami kasal. after namin ikasal nilakad nalang sa munisipyo para maging ligitimate si baby.
may 2 kids na po aq,gamit po nila apelyido ng mr ko,hanggang ngayon dipa kami kasal,pero kinailangan ng attorney nung pinarehistro namin..
depende po sa inyo kung ano ggmitin mo. ako surname ng boy pinagamit ko. sa pagaasikaso ng birthcertificate nya kailangan ng affidavit
Depende kung ung partner mo mag aasikaso ng birth cert ni baby or pipirma siya sa affidavit na pinapagamit niya apelyido niya aa bata
e paano po kung nasa ibang bansa po ung tatay nang baby,sino po pipirma sa birth,or pede po ba derecho na apelyedo skanya,thnx po sa ssagot
Tsaka mona iregister ang bata kapag nandito na ang ama ng bata sis kasi kapag pinilit mo po ndi pwedr dahil need ng pirma sa paternity