"PACIFIER"

"PACIFIERS" Marami sa atin ang nagpapagamit ng pacifier sa mga babies natin. Para kasi sa atin, pampakalma 'yun kapag nagmamaktol sila o pampatulog nila. Pero recommended nga ba talaga ang paggamit ng pacifiers (especially sa breastfed babies)? Ang pacifier, ayon sa pag-aaral, ay pwedeng magpababa sa tyansa ng Sudden Infant Death Syndrome (SIDS) kapag tulog ang bata. Dahil dito, mainam na mag-pacifier kapag matutulog na ang bata. Pero kaakibat ng magandang benepisyong ito ay ang mga posibleng negatibong epekto kapag nasobrahan o mali ang paggamit ng pacifier. Ito ang mga possible effects ng SOBRA o MALIng paggamit ng pacifier: ♧ Pwede itong mag-cause ng nipple confusion ~ Kapag nasanay si baby sa pacifier, pwedeng mahirapan ang nanay na pasusuhin siya (lalo na kapag nag-pacifier nang wala pang 1 buwan ang bata) ♧ Pwedeng maging cause ng paghina ng gatas ni mommy ~ Dahil mas madali para sa baby na mag-pacifier (2 sucks per second kumpara sa 1 latch per second na mas ma-effort) at nasasatisfy na siya doon, hindi na siya sususo nang mas madalas kaya hihina ang breastmilk supply ♧ Mas prone sa kabag si baby ~ Wala naman kasi siyang makukuhang gatas sa pacifier kaya hangin lang ang mapupunta sa tiyan niya (kung mali ang pagsipsip niya at kung laging natatanggal sa bibig niya) ♧ Hindi tayo makakasiguro sa safety dahil pwedeng matanggal ang tsupon at malunok ni baby (depende sa quality at design ng pacifier) ♧ May posibilidad na maging overly dependent sa pacifier si baby kaya baka mahirapan kang awatin siya (yung pamangkin ko noon dala-dalawa pa ang pacifier dahil nagwawala talaga kapag nawawala ang pacifier bago matulog) ♧ Kapag hirap siyang i-withdraw ang pacifier, pwedeng ang kasunod nun addiction sa thumbsucking (yung panganay ko hanggang mag- 7years old siya, nagthu-thumbsuck pa rin minsan bago matulog, hirap awatin) ♧ Pwedeng mag-cause ng teeth problems KAPAG NAUWI SA THUMBSUCKING ANG PACIFIER WITHDRAWAL (please see photo) ♧ Ayon sa pag-aaral, pwede ring mag-cause ng ear infections ang pacifier dahil kapag lumulunok ng sobrang bilis, nagkakaroon ng pressure sa tenga. ♧ Hindi sanitary lalo na kapag nahulog yung pacifier tapos ibababad mo lang sa tubig ♧ Pwedeng mas maging attached si baby sa pacifier kaysa sa nanay na siya dapat ang nagiging source of comfort. Before offering pacifier to your babies, please think about the possible effects first. DISCLAIMER: This article aims to warn breastfeeding moms of the possible effects of pacifiers to breastfeeding and to the breastfeeding baby. YOUR CHILD, YOUR RULES, so it's up to you whether you will offer pacifiers to your toddlers or not. ? The use of the words "pwede" and "posible" means this is a case-to-case basis. This does not mean that this WOULD happen to EVERYONE. *** If you are a breastfeeding mom and you really want to offer pacifier to your baby, wait before your milk stabilizes -- that is about 6weeks to 2months after giving birth. YOU CAN OFFER PACIFIERS PERO CONTROL LANG SA PAGGAMIT AT MAGTANONG DIN SA PEDIA NG RECOMMENDED PACIFIERS ? Written by: Breastfeeding Mommy Blogger

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

thanks for this

VIP Member

Thanks mommy.

Thanks mommy