1 Replies

Mahirap talaga mag-alaga ng toddler mommy. Kagabe nga lang nagbreak down na ko kase pagud na pagud na ko talaga. Ilang beses sya nag akyat manaog sa hagdan pagkatapos sa sofa naman.. parang di napapagod. Nung time na sabe ko lilinisan ko na.. ayaw magpalinis. Pero nung madala sa cr ayaw naman ng umalis dun. Hanggang sa bibihisan na nagwawala pa din.. ang hirap hirap tapos mag isa mo lang. napalo ko sya 2ng beses sa pwet. Ayoko gawin pero di ko na din napigilan yung sarili ko. After that nung kalmado na lahat.. naiyak na lang ako nung makita kong ampula nung pinalo ko. Tapos sabe ni lo.. “basa (yung eyes ko) cry cry... mommy tahan”.. lalo na ko napaiyak mommy 😢😭 ang sakit sa dibdib. Ang sama ng loob ko sa sarili ko 😭😢 araw araw akong nahingi ng guidance para maalagaan ko sya ng maayos pero nadating talaga sa point na masasagad yung pasensya mo lalo na wala ka namang ibang maasahan. Nagsorry na lang ako sa kanya. Tapos nag iloveyou kame. Ang maganda sa mga bata.. pagkatapos.. parang walang nangyare. You can always start fresh. Kaya natin to mommy. Kelangan naten kayanin.

Trending na Tanong

Related Articles