Hindi ko maiwasan mamalo, manigaw ๐Ÿ˜ญ

Paano ? Sa totoo lang lagi ko po kinakalma sarili ko tapos kausapin ng mahinahon si baby ko. Minsan talaga pag may nakita lang akong di Tama sa paningin ko bigla bigla ko nalang siyang nakukurot. Paano? #firstbaby #advicepls #theasianparentph

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap talaga mag-alaga ng toddler mommy. Kagabe nga lang nagbreak down na ko kase pagud na pagud na ko talaga. Ilang beses sya nag akyat manaog sa hagdan pagkatapos sa sofa naman.. parang di napapagod. Nung time na sabe ko lilinisan ko na.. ayaw magpalinis. Pero nung madala sa cr ayaw naman ng umalis dun. Hanggang sa bibihisan na nagwawala pa din.. ang hirap hirap tapos mag isa mo lang. napalo ko sya 2ng beses sa pwet. Ayoko gawin pero di ko na din napigilan yung sarili ko. After that nung kalmado na lahat.. naiyak na lang ako nung makita kong ampula nung pinalo ko. Tapos sabe ni lo.. โ€œbasa (yung eyes ko) cry cry... mommy tahanโ€.. lalo na ko napaiyak mommy ๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ญ ang sakit sa dibdib. Ang sama ng loob ko sa sarili ko ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ข araw araw akong nahingi ng guidance para maalagaan ko sya ng maayos pero nadating talaga sa point na masasagad yung pasensya mo lalo na wala ka namang ibang maasahan. Nagsorry na lang ako sa kanya. Tapos nag iloveyou kame. Ang maganda sa mga bata.. pagkatapos.. parang walang nangyare. You can always start fresh. Kaya natin to mommy. Kelangan naten kayanin.

Magbasa pa