Stop Milk

Paano po mapahinto ng walang pain yung milk if breastfeed po? Magtatrabaho na po kasi ako e di ko alam anong gagawin para mapahinto, masakit kasi sobra nung tinry ko ng mag stop kaso di ko kinaya sa sobrang sakit.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ctto >>> GATAS NI MOMMY Kumpara sa artipisyal na gatas sa bote, ang gatas ni Mommy ay konti pero tama, sapat at eksakto sa sustansya at antibodies. Ang artipisyal na gatas sa bote ay marami sa tubig at kulang sa sustansya at gamot para ay Baby. Walang kapantay at kapalit ang gatas ni Mommy. • Hayaan ang sanggol na sumuso hanggang makatapos, kusang bibitiw at sadyang matutulog na siya • Ang sangkap ng gatas ni Mommy ay nag-iiba minu-minuto depende sa pangangailangan ni Baby habang sumususo • Puno ng antibodies • Pananggalang laban sa malubjang sakit • Kontra-impeksyon, diarrhe, allergies, asthma, sakit sa puso at iba pa >>> FOREMILK (PANG-UNANG GATAS) • Unang daloy ng gatas • Pampatid ng uhaw ng bata • Kakaunti lang ang fats/ taba • Lusaw tingnan ngunit masustansya >>> HINDMILK (PANGHULING GATAS) • Mataas ang fats • Mabigat sa tiyan • Pampataba kay baby • Pampatalas ng paningin dala ng sustansya • Satiating effect o pampabusog >>> BIOAVAILABILITY • Umaangkop ang gatas ni Mommy bawat minuto depende sa sumususo • Angkop sa tao ang gatas ni Mommy at nagbabago to batay sa pangangailangan ni Baby habang siya ay sumususo • Ang gatas ni Mommy at angkop sa klima ng Pilipinas na palaging mainit kaya kumpleto sa tubig sustansya at likas na gamot • Nag-iiba ang lasa ng gatas ni Mommy lalo na kung labis ang kain niya ng isang bagay. Halimbawa sobra sa maanghang na pagkain o kaya prutas na chico o atas ng baka. Si Baby ay nagkakaroon ng reaksyon sa labis na kinain ni Mommy. Sa gatas baka ang reaction ni Baby ay kabag/ colic, pumipilit ang tiyan • Kung may sakit si Mommy gumagawa ang katawan ni Mommy ng antibodies laban sa sakit makukuha ni Baby ang antibodies. Makukuha ni Baby ang antibodies na ito sa kanyang pagsuso >> KAYANG-KAYA NI MOMMY NA MAGPASUSO KAHIT SIYA AY… PAGOD • Pwede magpahinga si Mommy sabay nagpapasuso. Kailangan uminom ng tubig para matighaw ang uhaw. Makakatulong ito sa pagpapasuso kay Baby • Hindi panis si Mommy kahit siya ay pagod. LIgtas ito kahit kailan at saan man. Ang gatas ng ina ay gawa ng Diyos at hindi kontaminado. GUTOM • Ayon sa pananaliksik o pag-aaral ng WHO, kahit ang malnourished na Mommy sa Gambia (Africa) ay may kalidad ng gatas na katumbas ng gatas ng isang malusog na Amerikanang nagpapasuso sa unang tatlong buwan. Kaya gabayan si Mommy ng pagkain at pagpapatuloy ng pagpapasuso BUNTIS • Kahit buntis si Mommy pwede siyang magpasuso; ang tawag ditto ay “tandem nursing.” Maliban na lang kung delikado ang pagbubuntis tulad ng makukunan (premature contraction) MAY LAGNAT • Pwedeng magpasuso kahit may lagnat si Mommy o si Baby. Gusto lang ni Baby na sumuso nang sumuso kapag may lagnat siya. Mainam ito sa kanya dahil pinagkukunan niya ito ng kaniyang pagkamit, gamot at antibodies sa panahong mahina siya GALING SA SAKUNA, BAHA, BAGYO, LINDOL, ULAN, TAGTUYOT • Anumang kalamidad, angkop ang gatas ni Mommy para kay Baby anuman ang mangyari. Ligtas si Baby sa gatas ni Mommy Galing sa DOH #CopiedAndpaste #milkgold #normalizedbreastfeeding

Magbasa pa
5y ago

Ty

Meron po gamot na iniinom para huminto po ang gatas. Magpacheck up ka po sa doctor para maresetahan ka po.

Wag mo.stop mommy.. pump ka nlng po kaht sa work po.