PRACTICALITY 🥰

Paano po makatipid in terms of pagpapacheck up tsaka panganak, any advices? 8weeks pregnant po. #FirstTimeDad

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

If hindi naman po high risk pregnancy, pwedeng sa barangay health center ang check up. Nagbibigay rin sila ng vitamins for mommy. If high risk, better go to a private OB to ensure both mom and baby's safety. Ngayon pa lang, make sure na up to date ang payments niyo sa Philhealth (at least 9 mos before delivery ang paid). Eat healthy and drink lots of water para iwas sakit si mommy. Less salt (lalo if may history of hypertension) and less sugar (to prevent gestational diabetes). Pagakalabas ni baby, ensure na maganda ang latch niya sa dede ni mommy. That way, mas malaki ang chance na pure breastfeed si baby. Ang laking tipid niyan sa gatas. When it comes to baby stuff, hindi lahat kailangang brand new. Mabilis lumaki ang baby so don't buy too many clothes agad. Mistake ko ito. Ang daming pinagliitan ni baby ko, halos once lang nagamit tapos yung iba hindi pa. Kung second hand man, linisin or labhan lang ng mabuti. Sterilize kung kailangan. For vaccines, libre ang basic vaccines sa health center. Take advantage of that. Napakalaking tipid ng libre sa center as compared to around 3K per bakuna sa private. Same lang naman ang bakuna.

Magbasa pa