PRACTICALITY š„°
Paano po makatipid in terms of pagpapacheck up tsaka panganak, any advices? 8weeks pregnant po. #FirstTimeDad

Hi daddy! Mas importante na maensure na maging healthy at safe si misis at si baby nyo. Para sa panganganak, make sure na updated ang philhealth nyo since malaki din ang mababawas sa philhealth. Mas makakamura if manonormal delivery ni misis ang baby so make sure na di masyado lalaki ang bata sa tyan pagpasok ng third trimester control na sya sa rice at pagpatak ng kabuwanan samahan mo sya sa morning walk para di din sya mahirapan manganak. As per check ups, kame kase free ang check ups namen since ninang namen sa kasal ang ob namen. Dala na lang kame ng food or kung anong madadala mo sa clinic. Madalas gulay ang bitbit namen š make sure din na makakainum si misis ng mga vitamins nya kase makakatulong yun para maging healthy sila ni baby so no complications. Lagi naman ganun. Prevention is better than cure. Kaya invest in vitamins and healthy foods para makaiwas sa mga uti kase common yan sa buntis tsaka sa mataas na sugar prone din sa gestational diabetis ang buntis. At lastly, wag mo bibigyan ng stress si misis.. kase isa din yan sa nagcocause ng complications during pregnancy.
Magbasa pa