magbuntis mag isa.

paano po magstart as single mom. 19 weeks pregnant po ako hindi ko po alam paano magsisimula. pinabayaan na po kasi kami ng tatay ng baby ko. 7 yrs po kami pero nung naging buntis ako parang wala na po syang pakialam samin at laging galit sakin. Hindi na din po ako kinakausap ng mga biyenan ko. Pahelp naman po, nadedepress na po ako at walang ganang kumain maghapon. pag po ba umiiyak at walang kain po ako ano pong magiging epekto kay baby? paano po makakasurvive ng wala pong partner. thank you po sa mga sasagot. #advicepls #1stimemom

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello mamsh. kaya mo po yan. SHAKE IT OFF! Wag mo ng isipin si ex mo. ang isipin mo na po yung baby na dinadala mo and kain ka lang po lalo na pag nagugutom ka wag po mag papalipas. kailangan po ni baby ng nutrients para mag grow sya inside at madevelop ng maayos. Kung makakapag usap kayo hingiin mo na lang po sana yung sustento kasi kailangan mo po yan at si baby. Wala rin po akong partner nung nanganak ako sa panganay ko. okay lang naman mag tamin ng sama ng loob hanggang sa maka move on. ganyan po kasi ginawa ko ๐Ÿ˜‚ basta isipin mo po si baby. nawalan ka man ng partner magkakaroon ka naman ng bagong mamahalin ng sobra at mamahalin ka rin nya. ๐Ÿ’• Dito mo talaga mafefeel ang "love at first sight" ๐Ÿฅฐ

Magbasa pa
VIP Member

mas isipin mo yung bata sa sinapupunan mo. pag di kumain oo malaki epekto sa bata. alam ko mahirap pero kailangan mo kayanin para sa magiging anak mo