CS delivery

Paano po ba maiwasan na lumaki ang baby sa tyan? Di ba po kapag maliit kang mommy tapos malaki baby mo, high risk CS ka magdeliver?

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Depende po sa pelvic size mo, kung malaki naman at kasya ulo ni baby kahit maliit ka pwede syang mainormal. Nasa BPS mo po malalaman kung mainonormal mo sya or hindi. As for pano maiiwasang mapalaki si baby, ako po kasi less carbs, ayaw ko din po kasi palakihin masyado si baby para di ako mahirapan manganak, bawas po ako sa kanin, sa gabi wala na po akong rice, sa umaga fruits and skyflakes tapos malunggay tea, then sa tanghali dun lng ako nagririce. Less din ako sa sweets. Kung nagcracrave man ako sa matamis konti lng kinakain ko matikman ko lng. Mahirap sa umpisa pero nasanay na din ako. Gusto ko kasi atleast 3kg lng or less si baby ng konti mga 2.7 or 2.9 kg lng ganun.

Magbasa pa

Sweets and soda mommy mabilis makapagpalaki kay baby . 3.7kg nung nagpaultrasound ako bago ang sched ko for induced kinabukasan. Nag induced kami baka sakaling kayanin ko kht 3.7kg si baby. Pero nstuck ako sa 1-2cm in 10hrs labor kaya na ECS ako . Then nagulat nalng ob ko na 4.2kg si baby. After ultz ko light meal na ko nun kasi un nga sched na ko for tom. Pero pasaway ako nag icecream at soda pa ko 🤣😅 ayon anlaki ng nilaki ni baby ko. 5flat ako mommy

Magbasa pa
4y ago

Anlaki ni baby mo mamsh 😊 congrats 🥰

Super Mum

Depende mommy kung kaya naman ng katawan mo mag normal delivery ka kahit maliit ka. May dalawa akong college classmates before, nasa 4'11 lang sila at yung mga babies nila is nasa 3.5 at 3.2 kgs noong nilabas nila via NSD. Ako kasi 5'6" tapos 2.7 lang si baby pero CS pa ako. 😊 Iwas ka na lang sa carbs and sweets dahil yun ang nakakalaki sa baby, not true yung cold water.

Magbasa pa

Bakit niyo po pipigilan paglaki ng baby? Hayaan niyo po siya lumaki na naaayon sa dapat Meron namang mga maliliit ang katawan pero nakakapagnormal Hindi rin kontrolado yan. May baby na maliit na kelangan din i.cs. hangga't d ka naman pinagbabawalan ng OB mo, chill lang po. Or better, ask your OB. Kasi kung okay naman kayo ng baby mo, malamang d kayo mag c-CS.

Magbasa pa
VIP Member

in my case, nainom ako malamig na drinks at kumakain ng malamig na pagkain, plus madalas ako magsweets, therefore sa tingin ko di totoo yun. hindi naman lumaki baby ko, 4'9 ang height ko at ang weight ko 45kg lang. normal delivery po ako. maliit din tummy ko, maliit ako magbuntis, pero di rin naman maliit si baby, 2.9kg ko siya nilabas.

Magbasa pa

Hinde maiiwasan ang paglaki ng baby sa tyan. Hinde rin totoo na porket maliit ka hinde mo na kaya mag normal delivery.. kaya lang naman nag ccs kasi nag kakaron ng komplikasyon ang nanay at baby..

Tingin ko carbs po rice, sweets.. Napansin ko kasi ung nag stop ako mag milk kasi parang gusto ko milo.. Un bilis nya bumigat.. Kaya nag balik loob ako sa milk.. Less na dn sa sugar

Sabi po nakakalaki raw po ng baby yung cold water tsaka po mga sweets. Pero depende rin po siguro yun. ako nga lang po medyo iwas din po kasi po medyo nattakot din macs

VIP Member

iwas sa matatamis mommy .. meron po ako nabasa post dto sa TAP 4.3kg baby nya and maliit sya pero nainormal nya ..

Sakin naman ang sinabi ng nurse sa hospital, magaan ako at maliit baka i-cs daw ako 🙄