Hi Mi! I suffered from anxiety for a long time. Panic attacks pa yung malalang level ganun. I had it bago pako maging preggy, grabe na adik ako sa pag ooverthink. Yung tipong di pa naman nangyayari pero sobrang worried ko na para bang wala nako pag asa sa buhay, lumiit mundo ko. Isipin mo Mi, everytime na mag overthink ka, SNAP OUT OF IT QUICKLY! I-divert mo agad isip mo sa ibang bagay, shake shake mo katawan mo, magpatugtog ka ng malakas, magplay ka ng funny videos (take note: gawin mo parin to kahit pa naiiyak ka na dahil sa anxiety). You need to TRICK your brain! Ganun labanan ang anxiety. Ako kasi dati parang na-baby ko yung anxiety ko e. Which is very wrong pala. Change your habit Mi, the way you think, the way you speak, the way you do your everyday chores. Gawa ka ng something new kada araw. Like for today ang goal mo is makipag usap sa friend mo na matagal mo na di nakakausap, yung mga ganun ba. Do something NEW. Para you won’t feel stuck. I know you don’t know me, pero IT WORKS Mi. It worked for me, I know it will work for you too. Laban lang Mi! You’re stronger than you think! Pray lang tayo lagi 😊
Magbasa pa