Naiinitan or nilalamig

Paano malaman Kung naiinitan o nilalamig ang sanggol?? Yung baby ko kase umiinit Ang katawan nya at namumula at nagiiyak tapos pag kinakarga ko at tinatapat sa mapreskong lugar tumitigil sya sa pag iyak. Di ko alam Kung nilalagnat sya or naiinitan lang. Help Naman po. First time mom po ako and si baby 23 days old palang.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pag po parang umiiyak pa rin kahit nakadede naman or walang laman diaper, baka di siya comfortable. Pakiradaman mo lang po mamsh. Kung ikaw eh giniginaw or naiinitan, most likely siya din. Ang ginagawa ko is if mainit kaya nakasando ako, si baby naka short sleeves. Pag nakatshirt ako, siya long sleeves. Try mo po google itsura ng "marbling" sa skin ni baby. Parang nagiging prominent mga ugat niya, lalo sa kamay at paa. Usual indication yun na giniginaw si baby. Pag feeling mo naman na mainit si baby, remove blanket at double check with thermometer na.

Magbasa pa