Child Support

paano Kung ayaw/Ng mamatigas Ang ama sa sustento Ng Bata? Saan pwd lumapit?

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pwede nio po kasuhan, wala pong bayad ang filing MGA KASAGUTAN SA TANONG TUNGKOL SA HINDI PAGBIBIGAY NG SUPORTA NG AMA SA KANYANG ANAK!!! "IYONG AMA NA PABAYA SA ANAK! DAHIL MAY IBA NA ITONG KINAKASAMA" - Humanda na kayo! UNDER REPUBLIC ACT NO. 9262 ⚖ (Anti-Violence Against Women and their Children Act) Dapat ay alamin ninyo kung nasaan naroon ang tatay ng inyong anak, maaring sa bahay nito o kung saan ito nagtatrabaho para mapadalhan ng mga "demand letters". Kung nasa ibang bansa o sa lugar na hindi nyo alam ipadala ito sa kanyang tatay o nanay o sa huling alam mo na address kung saan siya nakatira. Maari rin itong ipadala sa email niya o sa mga messenger ng social media upang maging ebidensya na pinadalhan mo ito ng demand letter. Kung walang ipinadalang demand letters o ebidensya ng demand letter sa pagsuporta, hindi matatanggap na kaso ito ng R.A. 9262. Dapat ay mga menor edad ang iyong mga anak o may edad na 18 pababa at kung ito ay nag aaral pa kahit lagpas na sa 18 kailangan pa rin niya itong suportahan hanggang matapos sa pag aaral. Hindi na kailangan ipa-barangay ang tatay dahil ito ay isang kriminal na kaso na may parusa na mahigit 1 taon na pagkakulong kaya hindi nito requirement ang pagdaan sa Katarungang Pambarangay. Maaring magtungo sa tanggapan ng Police Station at hanapin ang Women's Desk o VAWC Officer at sabihin nyo na magpa-file kayo ng economic abuse ng RA9262 para gumawa sila ng blotter at ng inyong Sinumpaang Salaysay. Gagabayan na po nila kayo hanggang sa ito ay makumpleto at maisampa sa Prosecutor's Office kung saan kayo manunumpa. Un Hintayin ang subpoena at sasagutin nito ang reklamo mo at duon din ay ipapaliwanag ni prosekutor ang bigat ng kasong isinampa mo kung hindi ito mag susustento sa kanyang anak. Ang RA 9262 ay may kulong na 6 - 12 taon kapag napatunayan napatunayan na intensyonal na walang sustentong ibinibigay ang ama sa kanyang anak. Hindi ito gaanong magastos na proseso dahil hindi mo na kailangan ang abogado dahil si fiscal o prosekutor ang tatayong abogado mo ngunit kung gusto mo, pwede ka kumuha ng private prosecutor na isang private lawyer. Ang RA9262 ay walang filing fee sa court, wala kang babayaran para mag file ng kaso. Karamihan naman po sa kasong RA9262 ay ayaw makulong kaya ang gagawin ay tutuparin na lamang magsusustento at ito ay dapat na may kasulatan Anumang kasulatan sa future support ay void under Article 2035 ng New Civil Code, kaya ang amount na pagkakasunduan ay hindi fix kundi depende sa needs ng bata at capacity ng tatay na pwedeng itaas o ibaba base sa pagtaas ng needs ng bata at capacity ng tatay. Ang ilalagay lamang dito ay ang estimated amount. Common Questions: 1. Pano pag lumaban sa korte? Madali lang yon kung wala syang proof na nag susustento sya REGULARLY tapos na agad ang kaso. However, dahil proof beyond reasonable doubt ang requirement sa criminal case, kailangan mo patunayan pa rin sa korte na: 1) may paternity relation ang tatay sa bata; 2) may capacity to support ang tatay; 3) may demand na ginawa para sa suporta; at 4) hindi nagsuporta ang tatay kahit may demand to support. 2. Paano kung hindi inaako ng tatay ang anak o hindi nakapirma sa birth certificate o hindi naka-apelyido sa tatay ang anak? Pwede pa rin as long as may evidence ka na siya ang tatay ng anak mo katulad ng 1) DNA test, admission ng tatay sa mga dokumento, 2) sa mga email, chat at social media, testimoniya ng witnesses na hayagan at patuloy na tinuturing ng tatay ang bata bilang anak at iba pang paraan na nasa Rules of Court para patunayan ang paternity. 3. Paano kung may pamilya na sya? Kasal o hindi kasal kayo, may pamilya na o walang pamilya ang tatay, regardless sa status ng anak nyo legitimate or illegitimate, hindi nagbabago ang obligasyon ng suporta ng magulang. Your child has the right for support karapatan ng mga anak nyo yon. Mabigat ang batas ng RA9262, madaling proseso, wag nyong hayaan na maging irresponsable ang tatay ng mga anak nyo. 4. Paano kung nagbigay ng kundisyon ang tatay bago magsuporta sa anak? Ang pagbibigay ng kundisyon ng tatay para lang sa pagsuporta ay malinaw na krimen ng economic abuse dahil ang obligation to support ng magulang sa anak ay absolute at hindi conditional. 5. Magkano ba dapat ang tamang suporta ng tatay para sa anak? Walang fix na amount o porsiyento ang suporta dahil ito ay depende sa kakayahan o capacity ng magulang (hindi lamang ng tatay kundi ng nanay dahil ang suporta sa anak ay mutually shared ng magulang) at needs o pangangailangan ng bata. I-compute mo ang estimated na suporta per month ng bata ng ganito: 1) I-compute mo ang basic necessities o yong pangangailangan ng bata sa isang buwan tulad ng food, medicine, education at shelter etc.; 2) I-divide mo sa two ang total monthly expenses ng bata; at 3) Ang kalahati ay obligasyon Republic Act 9262: Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004. #ItoangbatasRPC

Magbasa pa

Hi pa barangay mo then kung may work naman siya bat siya nagmamatigas pa VAWC niyo po yan mommy lalo na kung menor de edad ang bata .. sa raffy tulfo di pwede ganyan nanunuod po ba kayo nun heheh favorite channel ko po yun heheh

5y ago

brgy po ba o dswd?

VIP Member

Demand letter for child's support. Kapag wala pa rin pwede kayong magpa-hearing sa baranggay muna.

5y ago

Sa Barangay po muna kayo magpa-hearing po.

deretcho kana po sa PAO gagawa agad sila ng demand letter at ipapadala ito skanila

pa BRGY muna. wag mo na sabihan na magpapabrgy ka. baka bilugin pa ulo mo.

Kasuhan nyo kaya lang magastos. Magpa tulfo na lang kayo

VIP Member

Kay sir Raffy Tulfo pwd ka magpatulong

VIP Member

Pwede ka lumapit sa PAO.

tulfo mommy