Paano ko tuturuan ang anak kong maging makabayan ?
Respeto sa lahat ng government officials, mga teachers at maging mga simpleng tao. In short, respeto sa lahat ng mamamayan. Ipaliwanag din ang mga simpleng pagsunod sa batas tulad ng hindi pagtatapon sa hindi tamang lugar, pag tawid sa kalsada na hindi naman pedestrian lane maging makapag pula ang stop light. Mga simpleng bagay na maaring makatulong ng malaki sa pagiging makabayan at mabuting mamamayan.
Magbasa paSa tingin ko, ang pagpapaliwanag sa mga sinisimbolo ng watawat ang unang paraan para maging makabayan. Ikalawa naman ay ang pagtuturo ng kagandahang asal sa ating mga anak tulad ng pag mano at po at opo sa mga nakakatanda.
Bili ka po ng poster ng mga bayani sa palengke tapos ipaliwanag mo sa bata kung sino sino yung mga major Philippine heroes at kung ano ang nagawa nila sa bayan.
Maganda ring dalhin sila sa iba't ibang historical spots sa bansa. Family holiday pero ang dami rin nilang matututunan.