PAANO UMIRI TIPS

??PAANO BA UMIRE??? Isa sa inaalala ng mga mom-to-be lalo na ang mga fist-time-mom ang kanilang panganganak. Nakakaka-excite pero nakakaba rin nga naman lalo na kung pag-uusapan ay ang pag-ire. Tiyak na naglalaro sa iyong isip kung paano mo ilalabas si baby sa iyong sinapupunan para sa natural o normal delivery. Karaniwan na napapanood o nakikita natin sa mga palabas sa telebisyon o pelikula ang paghawak ng nanay sa bakal ng kaniyang kama, sabay hihinga nang malalim, saka mamimilipit sa pag-ire, mamumula ang mukha, at sisigaw. Ngunit, ito ba talaga ang tamang pag-ire?' Paano ba umire Sabi ng mga matatanda, kapag iire ka para ka lamang daw nadudumi. Pero, kung minsan nga may kasamang dumi ang panganganak dahil sumasama sa labis na pag-ire. Ganito rin ang madalas na ipinapayo ng mga eksperto. Narito ang mga tinipon na karanasan ng mga mommy sa Parent Chat group sa kanilang pag-ire. Umire na para kang magpapalabas ng dumi Hindi talaga maiiwasan na sumabay ang paglabas ng dumi habang umiire dahil magkalapit lang halos ang muscle nito. Pero hindi rin ito totoo sa lahat ng kaso dahil kapag nagsimula ka nang mag-labor, hindi ka rin naman masyado makakain. Huwag din mahiya kung madumi habang labor (kung maiisip mo pa ito). Sa ma doktor, normal na mangyari ito at sinsabi pa nila na ginagamit mo ang tamang muscles kung sakaling mangyari. Huminga nang malalim at i-hold ito ng mga 10 segundo bago ilabas. Ilabas ang hangin nang dahan-dahan, mga 3-4 na segundo saka ipokus ang iyong atensyon sa pag-push palabas ng baby. Huwag madaliin ang pag-exhale. Idikit ang iyong baba sa iyong dibdib habang umiire. Makabubuti ito para ang puwersa ay nasa tiyan at wala sa leeg. Ibuka nang maayos ang dalawang hita Huwag mahiya o ma-conscious na ibuka ito. Huwag itong sarado para hindi makapagdulot ng stress sa iyong baby at makakahinga siya nang mabuti. Hintayin ang hudyat na ibibigay ng doktor bago ka umire Mahira ang ire lang nang ire na walang pahinga. Bukod sa mapapagod ka, magagasgas ang lalamunan kapag sa leeg manggagaling ang puwersa. Mararamdaman mo ang pangangailangan ng pag-ire lalo na kung walang medikasyon pero kailangan mo itong labanan din dahil kailangang fully dilated na ang cervix at nakapuwesto na ang ulo ni baby. Kapag hinayaan mo lang umire na hindi maayos ito, mabubugbog ang cervix at maaaring mamaga na makapag-aantala sa pagbuka at baka lalo pang magsara ang cervix. Maiwasan din ang anumang komplikasyon pa sa iyo at kay baby. Kapag nakapuwesto na ang ulo ng iyong babay sa canal na paglalabasan niya kusa siyang lalabas. Mararamdaman mo ang paghilab ng iyong tiyan o contraction ng uterus. Ibig sabihin, ito na ang kagustuhan ni baby na lumabas, iyon din ang tamang panahon para umire ka. Tandaan na kaya kailangan ang tamang pag-re dahil kailangan mong tulungan si baby lumabas. Pinakamahalaga sa lahat ay tamang pakikinig sa sinasabi ng nurse o sa doktor na nagpapaanak sa iyo. Magtiwala rin sa team na nakasuporta at nakabantay sa iyong pangnganak. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng iyong tiwala, maiibsan ang iyong mga pangamba at tiyak na magiging maayos ang iyong pangnganak. Mahalagang paghandaan ang iyong panganganak upang maging matiwasay ang iyong karanasan. Subukin mo ang tamang paghinga habang naghihintay ka ng iyong panganganak. Maganda kasi na relaxed ka para mapabilis ang iyong labor. Basahin dito ang relaxation techniques mula sa isang doula. May mga posisyon din ng katawan ang maaaring makatulong sa iyong labor pains. Silipin dito ang ilang illustrations na nagpapakita ng mga labor positions. Kung may sapat na budget, maaari kang mag-enroll sa mga childbirth classes na ibinibigay sa mga preggy mom para maging pamilyar ka sa mga stages ng panganganak. Nakakatulong din ang ehersisyo kapag ikaw ay buntis (basahin dito ang mga recommended exercise kung walang komplikasyon ang pagbubuntis mo). Malaking tulong ang resulta nito sa iyong katawan kapag nasa labor stage ka na. Pero huwag kalimutang kumonsulta sa iyong doktor bago ito gawin. CTTO: Source & Credit:SmartParenting.Ph

PAANO UMIRI TIPS
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

thanks sa info! ❤️

thank you sa info 😍