Aswang for Real
Pa share please. Unang-una, hindi po talaga ako naniniwala. Kahit na may napansin akong mga kaloskos sa bubung sa bahay ng husband ko nung buntis pa ako. Wala na ngayun 2 months na si Lo. I am from Consolacion, Cagayan de Oro City. Nasa gitna ng syudad po talaga kami and recently, may nakita pong aswang sa kabilang district sa amin. KMJS staff ay nandito po sa amin to feature the story. This, I have heard so far, 3 months preggy si momshie. The whole family daw po nakakita sa aswang. Mahaba ang dila. Di nila nahuli kasi mabilis pero nakita rin daw ng mga kapitbahay. Nakunan si momshie pero di pa nila nilibing ang fetus. 3 days after, bumalik yung aswang. Pinatayan pa daw sila ng ilaw. Still di na huli. Ayaw ko pong maniwala. Pero maraming po witness. So mommies, if di rin kayo naniniwala, that's okay. But please take extra precautions anyway. Wala naman mawawala. Para kay baby naman. You can laugh it off after. Also, watch out for that episode in #KMJS
Excited to become a mum