Best diaper brand for newborn

Pa-share naman po ng trusted diaper brand nyo for newborn and kung around ilang diapers po ang nagagamit ng newborn per day/week. Thank you po! #firsttimemom #FTM

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

best for my baby ay huggies and applecumby. nung bago ako manganak, bumili ako ng maliliit na packs lang ng makuku, kleenfant, applecrumby and huggies. and nagtry din ako ng iba pa, pero sa huggies at applecrumby nahiyang si baby, no rash/redness, no leaks. newvorn si baby (from 0-2months) nakaubos kami ng total of 250+ newborn size diaper (mostly huggies at applecrumby) ang lakas kasi umihi at magpoop ni baby ko lalo na sa 1st week nya nun 8-10 palit agad sa umaga pa lang.. hiyangan lang, try ka lang pakonti konti muna.

Magbasa pa

Unilove gamit ko nung newborn baby ko, then nag switch ako sa EQ kaso ang init ng EQ at himulmulin pa, nag le-leak pa minsan kaya nag switch ako sa pampers kaya nga lang bumabaho keps ni baby kaya nag swtich ako ng happy para ganun lang din siya sa EQ himulmulin at mainit sa pwet. Now nag switch ako sa korean diaper, mura na hiyang pa si baby, manipis lang siya kaya hindi mainit, hindi pa nag le-leak, hindi din siya nag hihimulmul. Hiyangan lang po talaga yan momshie.

Magbasa pa

hi mii, hiyangan ang mga babies sa diaper. Yung ginawa muna namin ng husband ko, nag set muna kami ng bar para sa diaper which is EQ. Nung naging hiyang sya dun, nagtry kami ng mas mura which is Moosegear and check if mag hiyang din sya and yes hiyang nga. ibinaba ulit namin sa mas mura which is unilove, and hiyang ulit 😅. so ngayon, abangers na ako sa mga sale sa Lazada para sa diaper ng baby ko. Hope this strategy will able to help you.

Magbasa pa

when it comes to diapering,hiyangan tlaga ang mga skin ni baby,lalo na pag newborn,kaya wag bumili ng marami..huggies newborn gamit ko,kaso lang maliit size ni huggies kay baby at medyo mahal sya,6x to 8x a day ka pa nman magpapalit,so i tried unilove,ok nman sya and affordable pa..mag try din ako ng cuddly kasi good reviews din sya,and hiyang yong toddler ko sa cuddly,susubukan ko din sa 2mos old ko..

Magbasa pa

Nasa preference ninyo naman yan. What we did was buy sample packs ng diaper (piling brand) then check if hiyang or sensitive si baby. Nung nalaman namin na hindi naman sensitive si baby sa kahit anong brand, then we chose Unilove diaper since its way cheaper than the rest and does its purpose. Up to now, 8months baby Unilove padin, slimfit pants version naman.

Magbasa pa
2y ago

Hi, yes ok naman yung unilove. Quality din naman. Readily available nadin naman xa sa mga SM dept store and Baby company (and lazada hehe) Para iwas leak, make sure na yung inner lining e properly nakalapat Then kapag madalas ka nakakaexperience na naglleak na si baby, baka time to upsize na.

unilove, very absorbent po. 8 to 10 diaper per day nagagamit dahil mayat maya ang poops at wiwi ng new born. Now mag 4months lo ko, unilove pa din kami medium size na gamit nya, 4 to 5 diapers per day na lang kami ngayon.

TapFluencer

The best pa rin po ang huggies 🤗 basta every 2 to 3 hours po palitan si baby, lalo na po pag may poopoo palitan na po agad wag na po patagalin kasi yung init po ng poopoo yung isang cause kung bakit nagkakarashes.

gamit ngayon ng newborn ko is pampers, di pa ako nakapag inquire ng ibang price ng diapers pero yung sa pampers kasi 300+ pesos 40pcs, mura na ba yun o mahal? gusto ko etry hung unilove.

Huggies ❤️ iwas leak, iwas rashes. Tried unilove kasi swak sa size niya kaso nagrashes si baby. Bili ka muna ng konti kasi depende kay baby kung saan siya hihiyang.

Unilove is good for newborn 6-8pcs per day changing every 2-3 hours.. aside from pooping.