Insecurities

Pa-share lang po ng saloobin mga momsh. Kahapon kase may namigay ng mga ukay. So syempre dahil buntis tayo,pinili ko yung mga dress. Sobrang nagustuhan ko yung mga napili ko kase ang gaganda tapos parang pang-bagets talaga. Pagka-uwi ko nilabhan ko na then ngayon isa2x sinusukat ko sila habang nakaharap sa salamin. Yung iba di magkasya sa dibdib ko kase lumaki sya. So habang nagsusukat ako ino-observe ko din katawan ko. Parang na-insecure ako bigla mga momsh,at the same time nalungkot. ANG PANGET NA NG KATAWAN KO. Naiiyak ako,feel ko sobrang panget ko na. Muka akong matanda. Para akong napag-iwanan ng panahon. Sobrang nakakalungkot. Pakiramdam ko sirang sira na katawan ko. Parang di na ako yung dati.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hi miii .. May mga ganyan talagang moments but, ndi naman palagi. You should be proud of all the changes na yan, that's what motherhood is. At yang sinasabi mong panget na parang ndi na ikaw eh nagluwal ng panibagong henerasyon sa mundong ito. Hindi yon madali, never magiging madali. Isa pa, whatever you see na tingin mo nakakapanget within motherhood can heal naman, or if it's weight pwede namang mag diet pakonti konti with exercise, Kung physical naman pakonti konti mag ayos ayos kahit nasa bahay lang para presentable. It will never be the same pero, pwede namang e-embrace din yung new changes.

Magbasa pa