Insecurities

Pa-share lang po ng saloobin mga momsh. Kahapon kase may namigay ng mga ukay. So syempre dahil buntis tayo,pinili ko yung mga dress. Sobrang nagustuhan ko yung mga napili ko kase ang gaganda tapos parang pang-bagets talaga. Pagka-uwi ko nilabhan ko na then ngayon isa2x sinusukat ko sila habang nakaharap sa salamin. Yung iba di magkasya sa dibdib ko kase lumaki sya. So habang nagsusukat ako ino-observe ko din katawan ko. Parang na-insecure ako bigla mga momsh,at the same time nalungkot. ANG PANGET NA NG KATAWAN KO. Naiiyak ako,feel ko sobrang panget ko na. Muka akong matanda. Para akong napag-iwanan ng panahon. Sobrang nakakalungkot. Pakiramdam ko sirang sira na katawan ko. Parang di na ako yung dati.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy your feelings is valid, ganyan ako now, kasi nung di pa ako buntis makinis at maganda din talaga ang figure ko , nung nabuntis ako for 1-5 months ok pa naman medyo blooming pa pero nung nag start 6 months until now para na akong lantang bulaklak hahaha, nangitim kili kili, batok, singit, pati nga pwet ko nangitim rinπŸ₯² nagka cellulites rin ako malala, yung dating di naman maamoy katawan ko ngayon pati mister ko sinasabihan ako ang asim asim ko na daw πŸ˜… kahit twice a day ako naliligo sa sobrang init Plus tumaba rin ako, sobrang haggard ko na rin , nagkaka negative thoughts and insecurities na rin ako pero iniisip ko na lang ngayon lang naman to after ko manganak babalik rin naman sya sa dati kasi pwede na uli ibalik ang mga pampaganda routine and exercise

Magbasa pa