Insecurities

Pa-share lang po ng saloobin mga momsh. Kahapon kase may namigay ng mga ukay. So syempre dahil buntis tayo,pinili ko yung mga dress. Sobrang nagustuhan ko yung mga napili ko kase ang gaganda tapos parang pang-bagets talaga. Pagka-uwi ko nilabhan ko na then ngayon isa2x sinusukat ko sila habang nakaharap sa salamin. Yung iba di magkasya sa dibdib ko kase lumaki sya. So habang nagsusukat ako ino-observe ko din katawan ko. Parang na-insecure ako bigla mga momsh,at the same time nalungkot. ANG PANGET NA NG KATAWAN KO. Naiiyak ako,feel ko sobrang panget ko na. Muka akong matanda. Para akong napag-iwanan ng panahon. Sobrang nakakalungkot. Pakiramdam ko sirang sira na katawan ko. Parang di na ako yung dati.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dumarating din sa point na ganyan tingin ko sa sarili ko,buti na lang may asawa ako na kung titigan ako,parang ganon parin sa titig niya before ako anakan ng anakan. Ipinagpapasalamat ko lang na kahit sira na din ang katawan ko at d na ako tulad ng dati, kung itrato ako ng asawa ko,ako parin ang pinakamagandang babae. So kahit madami din ang insecurities sa katawan,as long as anjan asawa ko to remind me,to thank me, and to love me,wala na akong masabi. Gumagaan lahat ng pakiramdam ko lalo kapag naririnig yung Salitang "ang ganda Ganda mo aanakan pa kita"

Magbasa pa