Am I a disappointment?
Pa rant mga momsh. Isa po akong stay at home full time mom. Wala po ako work ever since nabuntis ako (maselan kase pagbubuntis ko kya nagdecide ako na mgresign) and now 1 yr old na si baby. Since si hubby lang ang nagwowork ngayon and sakto lang lagi ang sahod nya para sa lahat ng expenses namen pati na rin kay baby, lahat ng pagtitipid ginawa ko na. Yung ulam ko ng lunch, yun pa din ulam ko ng dinner. I don't buy things for myself kase nga nagtitipid kami. Then this happened. I was busy this morning kase may ginagawa ako (househood chores). Di pa ako nakapghugas ng pinagkainan namen ng breakfast pero iilang piraso lang naman. Etong si hubby sabi saken hugasan ko na daw. Eh since lunch time na, sabi ko later na lang after namen maglunch para isang hugas na lang. Aba, andami na agad sinabi, puro masaket para saken. Kesyo daw ganun ba ako samen, hanggang sa napunta na sa pera and everything about sa ugali and pagsasama namen. Naubos yung pasensya ko, naiyak ako sa sobrang sakit ng mga sinabi nya na para bang palamunin lang ako and wala ako karapatan magreklamo lalo na sa pag iinom nya ng alak kase pera naman daw nya yung ginagastos nya. Eh d nagpanting tenga ko, naisumbat ko lahat ng ginawa ko nung time na ngwowork pa ako (halos lahat ng gastos sa expenses pati allowance nya saken pa din kahit na may work naman sya). Hanggang ngayon masama pa rin loob ko kahit pa nagsorry na sya. Pakiramdam ko nawala lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Bigla akong naging manhid, ni minsan hindi ako nagreklamo kahit meron akong gustong bilhin pero hindi ko magawa kase nga nagtitipid kami. Pag may pinapabili ako sa kanya na food na gusto ko, puro lang reklamo maririnig mo kaya hindi na lang ako nagpapabili. Gusto ko umalis dito sa bahay kasama ang anak ko kaya lang wala ako work and konti lang ang savings ko. Hays.. ๐ญ๐ญ๐ญ #SAHM #1stimemom #palabaslangngsamangloob