Am I a disappointment?

Pa rant mga momsh. Isa po akong stay at home full time mom. Wala po ako work ever since nabuntis ako (maselan kase pagbubuntis ko kya nagdecide ako na mgresign) and now 1 yr old na si baby. Since si hubby lang ang nagwowork ngayon and sakto lang lagi ang sahod nya para sa lahat ng expenses namen pati na rin kay baby, lahat ng pagtitipid ginawa ko na. Yung ulam ko ng lunch, yun pa din ulam ko ng dinner. I don't buy things for myself kase nga nagtitipid kami. Then this happened. I was busy this morning kase may ginagawa ako (househood chores). Di pa ako nakapghugas ng pinagkainan namen ng breakfast pero iilang piraso lang naman. Etong si hubby sabi saken hugasan ko na daw. Eh since lunch time na, sabi ko later na lang after namen maglunch para isang hugas na lang. Aba, andami na agad sinabi, puro masaket para saken. Kesyo daw ganun ba ako samen, hanggang sa napunta na sa pera and everything about sa ugali and pagsasama namen. Naubos yung pasensya ko, naiyak ako sa sobrang sakit ng mga sinabi nya na para bang palamunin lang ako and wala ako karapatan magreklamo lalo na sa pag iinom nya ng alak kase pera naman daw nya yung ginagastos nya. Eh d nagpanting tenga ko, naisumbat ko lahat ng ginawa ko nung time na ngwowork pa ako (halos lahat ng gastos sa expenses pati allowance nya saken pa din kahit na may work naman sya). Hanggang ngayon masama pa rin loob ko kahit pa nagsorry na sya. Pakiramdam ko nawala lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Bigla akong naging manhid, ni minsan hindi ako nagreklamo kahit meron akong gustong bilhin pero hindi ko magawa kase nga nagtitipid kami. Pag may pinapabili ako sa kanya na food na gusto ko, puro lang reklamo maririnig mo kaya hindi na lang ako nagpapabili. Gusto ko umalis dito sa bahay kasama ang anak ko kaya lang wala ako work and konti lang ang savings ko. Hays.. 😭😭😭 #SAHM #1stimemom #palabaslangngsamangloob

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

pareho lng kayo burnout mommy. hintayin nyo muna na mawala yung inis tapos usap kayo ulit .yung maayos na pag uusap.para maintindihan nyo isa't isa . communication is the key . dumadaan siguro talaga lahat ng mas asawa sa ganyan lalo na nga at mahirao talaga buhay ngayon financially ..

Virtual hug momshei... pagusapan nio muna ng maayos pray ka lang momshei malalampasan mo din yan🙏 me super swerte ko sa hubby ko never niya ako pinaghanapan ng pera kpg nagbigay siya bahala na ako don never siya nag conplain about the money... kaya mo yan pray lang

VIP Member

hugs momi.. my surge ng emotions..possible mdame din sya iniisip kaya umabot sa ganun... pero it means meron tlaga kaung need pag usapan about expenses kasi mukang sinsarili nya at biglang sumabog. pag usapan nyo mumsh

VIP Member

virtual hug mamsh pray lang everything is gonna be ok soon. ganyan talaga ang buhay mag asawa daraan talaga sa pag subok. tiwala lang kay god.

VIP Member

blessed parin ako sa asawa kasi khit wla ako trabaho mula pag buntis ko pero never nya ako pinagsabihan ng mali

VIP Member

I feel you mommy! Ganyan din ako kaya kahit mahirap kaya ayoko pa need na magwork.. since talamak ang WAH set up now..

VIP Member

Don't be so hard on yourself, mommy. Keep the faith po and be strong for you and your little one ❤️

meet half way po kayo...pag usapan po...wala namang di naaayos sa mabuting usapan...

be strong po para kay baby, sending hugs moms😊

pray ka lang momsh .big hug sau😘