12 Replies
ganyan din po mother in law ko pati mga kapatid nya. buti na lang pag naririnig na ng asawa ko mga pamahiin nila sya mismo magchchange ng topic haha. isa din sa dahilan bakit di namin sinabi agad sa kanila. ayoko kasi sa lahat yung pakikialaman ung pagbubuntis ko. marunong pa sila minsan sa OB. 😅. pero syempre bilang respeto, pag may sinabi sila na dapat o di dapat gawin, sasabihin ko na lang tatanong ko po sa OB ko. mas okay din na nakabukod talaga sa kanila. minsan talaga may mga tao na gusto kontrolado ang lahat. kung nakakastress yun sayo, ilayo mo na muna sarili mo. saka ka na lang lumapit ulit pag nanganak ka na. 😁
Sakin namn po mommy . Tama po kayo Kung San Ka po masaya at Hindi ka stress dun Kayo. Okey Lang Sana ung mapamahiin ang Kaso Kasi iba na ngayon. mas modern na tayo ☺️ ang doctor(OB) Lang talaga ang may alam ng mga dapat at Di dapat gawin. mahirap mag buntis Kaya iwas dapat sa stress. mahirap Kasi talaga makipagtalo sa mga in-laws syempre need natin silang igalang. iyan talaga ang pinakamahirap kaharapin ngayon 😅 Una asawa mo or LIP mo pangalawa in-laws mo. nakakastress talaga .Pero mommy Kung San Ka sasaya dun Ka ... Kaya mas maganda ung nakabukod para stress free Ka ☺️
salamat po mommy sa pagintindi
mommy, para sakin, iopen mo kay hubby mo para si hubby yung sumubok makipagusap sa parents nya, para hindi ka rin mastress ng sobra at baka maapektuhan si baby mo. kung after ng talk ng hubby at parents nya ay ganun pa rin, mas okay na bumalik ka na lang pag solo nyo na yung bahay. mahirap po kasi talaga maki-bahay kapag kasama parents or in-laws. kahit supportive and loving family yan, may masasabi po talaga. pagusapan nyo ni hubby about dyan mi, i'm sure n maintindihan ka ni hubby mo at magagawan ng paraan yan. wag ka na paka stress ng sobra. cheer up po mommy 😊
salamat po. tiyempuhan ko lang ng magandang usap kay mister
Hello momshi, Ganyan na Ganyan din ako hehe. pero Kinausap ako nang Hubby ko nang maayos na maayos dahil First anak, First pamangkin, at Higit sa Lahat First apo ang pinagbubuntis ko kaya Sinusunod ko mga bawal kung ano sinasabi nila dahil for sure hindi naman nila ipagbabawal sayo kahit pamahiin man yan O indi para din sa ikakabuti mo at ang anak mo. Ang Buntis talaga mainitin ang ulo kaya Careful ka momshi Buntis kapaman din, wag kang Ganyan sa Parents nang Hubby mo. ang Ugali nang Buntis mamanahin nang Baby mo😊
naiintindihan ko naman po yung point nyo mommy. kaso nahihirapan ako kasi sila po yung dahilan ba't ako nakunan nung 1st pregnancy ko. dinugo po ako nun tapos sabi ipahilot ko lang daw kahit gusto ko magpapunta sa ER. parang ayoko na kasi sila sundin pagdating sa usaping buntis at baby kasi ntatakot ako na mangyari ulit yun. sana po naiintindihan nyo rin saan ako nanggagaling.
ganyan din ako sa nung una sis! wala pa yung baby nangingielam na pano aalagan hahah. pero, try to talk to your partner na din sis para siya yung magsalita sa mga parents niya. tho di maiiwasan talaga minsan kaya mas okay mag usap kayo mag asawa para mabawasan stress mo. kasi ganyan ginawa ko umiiyak talaga ko sa asawa ko pag di okay nararamdaman ko haha kaya pag may comment parents niya , siya yung magsasalita para samin hehehe
thank you po mommy, hanapan ko lang ng magandang tiyempo na makausap asawa ko about this din.
I think gusto lang nila ng makakabuti sayo at sa baby mo. Don't get me wrong po ah. Naiintindihan ko yung feeling mo kasi ganyan din ako nung nagbubuntis ako hahaha kahit ayoko ginagawa ko pa din kasi sila yung mas may experience na hehe wala naman mawawala kung susundin mo yung kasabihan nila pero na sayo pa din po kung anong gusto mong gawin hehe
naiintindihan ko naman po.
Kung saan ka magiging panatag at magkakaroon ng kapayapaan, yun ang gawin mo 👍 Mas mainam kung "solo" niyo na yung bahay niyo pagkapanganak mo, baka kasi magkaroon din kayo ng issue sa pag-aalaga naman ng bata. Super excited lang din siguro mga in-laws mo, hehe.
kaso po, pag nalaman nilang di sila nasusunod, sumasama loob nila sa akin na parang ang sama sama kong ina sa anak ko kasi ginagawa ko yung "mali" para sa kanila.
Ganyan yata In-laws minsan they mean well kaso di nila yata alam na lumalagpas na sila sa boundaries. Tama yan mommy for your sanity better stay with your parents muna. Focus muna on your pregnancy and avoid the stressors. Hugs mommy, di ka nag iisa!
thank you mommy at naiintindihan nyo po ako
nasa hubby nyo po yan, wala na kayo magagawa sa in laws nyo kasi ganun na tlga paniniwala nila at kinaugalian nila, nasa hubby nyo na yan na dapat ibukod na kayo kasi hindi maganda ang presence ng in laws nyo sa inyo mas maigi d nyo sila kasama
makakabukod naman po kami after na magawa bahay ng parents nya. nahihirapan lang ako makisama sa kanila kapag usapan buntis at baby po kasi gusto nila, sinusunod yung pinapayo nila na iba naman po sa sinasabi ng OB ko.
kumg ako ikaw dyan ka nalang sa parents mo after mo manganak, mas marami sila papakielaman lalo na sa bata. ako buti nalang madalas ako pinupuntahan ng mama ko kahit nandito ako sa byanan ko noon nakatira, kasi masyado silang nagmamarunkng..
sana po ganun kadali para sa mama ko na puntahan ako 🥺 pero thank you po na naiintindihan nyo sitwasyon ko.
Anonymous