Presence ng parents-in-law
Pa-rant lang po, medyo naiinis na ko kasi sa parents ng asawa ko. Nangingialam sa pagbubuntis ko. Nagcoconsult naman po ako sa OB ko kung ano bawal sakin at kung ano pwede. Tapos kahit sinabi na ng OB ko na pwede, ayaw pa rin nila na gawin o kainin ko yun dahil sa mga paniniwala nila nung sinaunang panahon. Ineexplain ko naman na hindi naman pagbabawal sakin ng OB yun kung makakasama sa amin ng baby ko. Jusko, sila ata #1 cause ng stress ko ngayong buntis ako :( kaya nga nagdecide ako umuwi sa bahay ng parents ko para medyo bawas sa stress kasi nung nandun pa ko sa kanila nung 1st months ng pagbubuntis ko, kahit pinagbebed rest ako ng OB ko, kailangan ko pa rin kumilos, dami kasi nasasabi lalo na yung mom ng asawa ko. Nasa paglilihi stage ako, prefer kong dun lang sa loob ng bahay pero required akong tumambay sa tindahan nila pra makipag usap sa kanila kahit napapagod akong makipagusap sa kanila nun. Bawal daw ako maligo sa gabi kahit pinayagan ako maligo ng OB ko para fresh din sa pakiramdam ko. Nahihirapan ako sa parents ng asawa ko. Di naman ako makapag open sa asawa ko at baka sumama loob nya. Although after magawa bahay ng parents nya, solo na namin yung bahay na tinirhan namin dun sa kanila, kaso nakakastress kasi na pakikialaman nila lahat lahat. Di nila hayaan paano gusto ko gawin kasi sinasabi naman ng OB sakin ung mga pwede kong gawin. Ngayon medyo alangan ako umuwi dun pagkapanganak ko unless solo na namin bahay. Yoko kasi ng pati pagpapalaki ko sa sarili kong anak e pakikialaman nila EDIT: 2nd pregnancy ko na po ngayon. Yung 1st pregnancy ko, nakunan ako kasi sinunod ko yung advice nila na magpahilot instead na magpadala sa ER (kahit gusto ko) kasi dinugo ako nun. Kaya sana naiintindihan nyo po kung bakit ayoko na sila sundin sa mga gusto nila. #1stimemom #firstbaby #pregnancy