I need your advice
Pa-advice po, napaparanoid na po kasi ako hehe. May baby na po kami ng partner ko 7 months old, sabi po kasi ng family ko sana raw po next year makapagpakasal na po kami kahit sa huwes lang. Kaso si partner po sabi niya sakin gusto niya po after 2 or 3 years pa. Hindi pa raw po niya kasi nafefeel yung pagpapakasal. Medyo na-sad lang po ako. 22 years old po kami parehas, nag-aaway po kami minsan di ko lang po alam kung bakit ganun yung naisip niya. Di naman po ganun kagastos yung sa huwes nakakalungkot lang po na parang ako pa yung maghihintay sa kaniya. Iniisip ko nga po na baka ayaw niya pa na matali sakin dahil baka may mahanap pa siya na iba, ewan ko po nalilito na ako hehehe. Ano po kaya sa tingin niyo? Thanks po sa mga mag-rereply.
Working Mommy