Naguguluhan
Okay naman kami ng bf ko pati na rin sa family nya sinusuportahan naman nila pag bubuntis ko pati mga meds ko pero sabi ng mommy ko pati ibang kamag anak ko na wag ko daw ipa-apelyido yung anak namin sa kanya, ako gusto ko kasi kahit papano tatay pa din sya ng anak ko at nagsasama kami kahit papano nagiging hands on naman sya samin ng baby namin, pero kasi pag sinasabihan ako ng parents ko nalulungkot ako na ayaw nila pumayag ipa-apelyido sa kanya. Need advice naman po
Yung baby ko nakapa apilyedo sa tatay nya, kahit di pa kame kasal kahit ayaw rin ng mga friends and family ko pinaapilyedo ko pa rin sa kanya, assurance na rin kung sakaling magloko eh haha! (Wag naman sana) pero much better kung ipangalan nyo po mismo talaga sa tatay
Unfair naman sa bf mo kung di mo isusunod sa kanya name ng baby nyo. Sabi mo nga na okay kayo, supported ka ng families nya, anong reason bakit di mo ipapa-apilyedo sa kanya baby nyo? Mag start ka na po ng family, dapat sa lahat ng desisyon mo kasama na bf mo dun...
malaki kna, you have to make ur decisions. pero baka kasi, gusto nla na ikasal muna kau kaya ayw nla na ilagay apleyido ng bf mo ky baby nyo. kung kinausap ka, need mo rn sabihin side mo. kasi first, anak mo yan, second buhay mo yan. need lng kausapin cla ng maayos
Suggest mo na lanh po mamsh na sa bf mo na lang isunod ang apelyido kasi kayo din mahihirapan kapag papaltan niyo yung apleyido niya, magastos na plus matagal pa iprocess. Okay sana if sa ibang bansa kaso na sa Pilipinas tayo at mabagal ang pagusad ng proseso
May plano ba kayong magpakasal? Di dahil may anak na kayo pero kasi gusto nyo talaga. Kung wala pa, edi wag gamitin ang surname ng ama. Kasi iba naman ang sinusuportahan sa gastusin at papanagutan. Yung una panandalian, yung pangalawa pangmatagalan.
For me. ipa apilyedo mo na sa bf mo yang baby mo mahirap na baka dumating yung panahon na itanggi nya yan. at mas magihirapan kayo ayusin mga papeles nyan kung sakali mang sayo muna ipa apelyido tas sa susunod ililipat na sa kanya gastos din.
makasarili nanay mo..may sarili na kayong desisyon bakt papakinggan mo sasabihin ng nanay mo suportado ka naman pala ng family ng asawa mo at asawa mo..unfair ka naman sa asawa mo pag di mo inapelyedo at kawawa anak mo pag lumaki siya
you have to make your own decision your baby your rule.isipin mo kung ano makakabuti sa anak mo hindi sa magulang mo.i consider mo din mararamdaman ng partner mo.kung sayo mangyare na di naka apelyido si baby mo how would you feel?
bakit naman makikinig ka sa ibang tao sinusuportahan ka naman pala ng bf mo..isipin mo kung ano makakabuti sayo at sa baby mo..yang mga nagsasabi sayo ba wag ipa apelyedo ang anak mo sa asawa mo ang sisira sa pamilya mo.
Para po sa akin sis paapelyido mo po karapatan din naman po ni bf un. Tsaka he is being responsible naman po ngayon palang na buntis ka. Wala naman po atang butas para hindi ipangalan sa kanya ang magiging anak niyo.
18 and Proud to be a Teenage Mom ❣