Naguguluhan

Okay naman kami ng bf ko pati na rin sa family nya sinusuportahan naman nila pag bubuntis ko pati mga meds ko pero sabi ng mommy ko pati ibang kamag anak ko na wag ko daw ipa-apelyido yung anak namin sa kanya, ako gusto ko kasi kahit papano tatay pa din sya ng anak ko at nagsasama kami kahit papano nagiging hands on naman sya samin ng baby namin, pero kasi pag sinasabihan ako ng parents ko nalulungkot ako na ayaw nila pumayag ipa-apelyido sa kanya. Need advice naman po

65 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Noon, pwede yang suggestiong ng mommy mo at family mo. Ngayon, di na uubra yan. May batas na ngayon. Una, karapatan ng ama ito, dahil anak niya rin ito at pinananagutan naman niya. Pangalawa, karapatan ng bata ito, hindi dapat ipagkait sa bata ang apelyido ng ama niya, lalo at willing naman ito magpaka-ama sa kanya. Naiintindihan ko ang pagiging protective ng family mo sa baby. Baka naman kasi wala kayong binabanggit na plano niyo after mo manganak? Kayo ba e magpapakasal? (Wag magpapakasal ng dahil lang sa bata). Minsan kasi, nag-iintay ang magulang dun sa mamanugangin niya, na maringgan naman na pananagutan niya kayong mag-ina, gusto nila din naman na marinig kung ano ang plano niya sa inyo. Gets? Mainam na mag-usap kayo ng masisinsinan ng BF mo kung ano magiging setup niyo, paglabas ni baby.

Magbasa pa

At the end of the day, ikaw po ung nanay ng anak niyo kaya ikaw po at tatay niya masusunod. Tama po na tatay niya parin yun and i think he's being responsible enough naman kasi ginagawa nya part niya magprovide para sa meds at hands on sa baby. Based on experience lang po, ako po ung anak na di pinagamit ng mom ko sakin surname ng dad ko even though kasal sila dahil nahuli niya na nag cheat si papa nung buntis siya sakin. So ang middle at last name ko is same with my mom. Parang mgkapatid labas po. Hinayang din ako maski papano sa surname ng dad kasi maganda pakinggan. 🤣Point is, kung wala nman mbigat na kaso bf mo i think he deserves to be acknowledged sa name ng baby niyo. Lalo na pinanindigan naman niya kayo at pinanagutan.

Magbasa pa

Actually momsh ako dilemma ko din yan. Although alam ko na mahal na mahal kami ng tatay ng baby ko parang may part sakin na ayoko muna ipangalan sakanya hanggang di pa kami kasal. Unang una if ever man magkahiwalay kami ayoko na may habol pa siya sa baby ko, magulo yon for me, pag ganon kasi mas gusto ko total detachment talaga. Pangalawa parang assurance ko na din sa sarili ko na pag natuloy kami talaga sa kasalan eh tipong happy ending na talaga. Mejo selfish thinking pero sa ngayon kasi ang dami na pwedr mangyari. Wala naman masama sa self preservation.

Magbasa pa

Ganyan rin naman Yung bf ko kaso para sakin mas okay na apelido ko muna ang gamitin kaysa don sa bf ko kasi hndi pa naman kami kasal and we never know for sure if kayo na ba ng bf mo magsasama habang buhay since hndi pa nga kasal so if gusto nya talaga na apelido nya he will make a way para maging worth it para sayo at papakasalan ka nya meron kasing mga lalaki na sa una lng ganyan pag tumagal wala na tsaka wala naman Mali Kung sayo muna kasi temporary lng naman yon

Magbasa pa

Halos similar case sakin sis . D p dn kme kasal ng bf ko. Pero plan q iapelyido s knya si baby pagkapanganak q kasi ok naman kme mag bf at full naman support nya kay baby . However case to case basis dn yan.. d ko alam kng bakit d pa kau kasal.. if there is more serious reason behind . Basta nasa sau nman po un kng deserve naman ni bf n iapelyido sknya. But make sure to talk to ur parents and xplain to them in a nice way if ever decided kn..

Magbasa pa

Ikaw kayo ni bf mo yung magdecide pangit kasi kung susunod kayo sa gusto ng family nyo tapos kayo din nman ang magkasama mas mganda na nakaapelyido sa tatay yung baby lalo na pag nag aral sya lalabas n wala syang tatay kung sayo yung last name nya tapos sa bahay araw araw makikita nya yung tatay nya pangit diba kausapin mo din yung nanay mo pag nagdecide kana para di rin sumama loob nya responsableng tatay nman si bf base sa kwento mo..

Magbasa pa

Same situation sis . Palabas baby ko sa Aug. Ganyan din sabi ng tatay ko wag iaapelyido sa hubby ko .. Kase di pa kami kasal . Pero balak nmn nmin pakasal unahin lang muna gastos sa panganganak ko .. Supportive naman siya at yung biyenan ko na lalaki sa lahat ng needs namin ni baby .. Kaya nag iisip ako maigi .. Karapatan niya din naman kass siya ang tatay .. Ayaw ko pagkaitan anak ko at siya ng dahil sa utos ng tatay ko ..

Magbasa pa

Sa batas if di kayo kasal sayo talaga dapat pwera na lang if my kasunduan kayo ng tatay na written or notarized..dapat naman din xa pumirma sa birthcert..karapatan ng bata un..naniniguro lang cguro family mo na bka di ka rin pakasalan..mahihirapan ka din kasi pagngkataon in case mghiwalay kayo if need mo xa para sa concerns ng bata like example dadalin mo abroad hahanapin mo pa xa kasi need ng aproval nya..mga ganun..

Magbasa pa
VIP Member

Para po sakin mas okay ipa apelyido sa tatay nya khit di pa kyo kasal saka mo nlng ipapalit sa apelyido mo if ever man di tlga kayo para sa isat isa. Right din kasi ng bata na maacknowledge siya ng tatay nya sa pmamagitan ng paggamit ng apelyido ng tatay nya. Saka nasayo nman po yun kung sa ngayon nraramdaman mo na sincere ung tatay nya na panagutan kyo mag ina niya. Ikaw mkakapagdesisyon hndi ibang tao. 😊

Magbasa pa
VIP Member

Bakit naman po ganon, mommy? Tutol po ako sa gustong mangyari ng family mo. Kasi kayo po ng BF mo ang may karapatan kay baby, siya po yung daddy. And karapatan din po niya na surname po niya ang ibigay kay baby kahit di pa po kayo kasal. Bukod naman po 'don, pinagutan at pinandigan naman po kayo ng BF mo, dapat nga po na maging blessed sila kasi di ka po niya hinayaang mag-isa.

Magbasa pa