Okay lang po ba magtravel like sa Boracay when you are in your first trimester?

Okay lang po ba magtravel like sa Boracay when you are in your first trimester?

25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

1st trimester po ang most crucial part ng pregnancy. During this period usually happens ang miscarriages. For me po, regardless if hindi maselan ang pregnancy nyo, you have to decide na for yourself whether mag go ka or hindi and wouldnt consult your OB anymore. If this is your first pregnancy, hindi mo pa alam if maselan ka nga ba magbuntis. Not unless, may magtranspire na complications. We were supposed na magbora din ng april and everything is booked na and no option to cancel. However, nalaman namin na buntis ako nung feb so kahit 3 months preggy na ko we decided na wag na tumuloy kasi we dont wanna risk si baby. I had miscarriage na din kasi 9years ago and it was due to travelling.

Magbasa pa

ask your OB kung ano sasabihin nya sundin nyo po..ung ksabayan ko nabuntis noon nag boracay sila.. 6 weeks pregnant plang ata nag celebrate na agad sa bora kase 1st baby..pag uwe nalaglag ung baby, tnanong ng OB ko ung activities nag bora daw sila ayun ung ob ko ang na depress.. sbe nya sana nagsabe muna kayo sa akin. Sobrang lungkot ng OB ko non ๐Ÿ˜” kase patient nya nakunan ๐Ÿ˜”.. kaya nung kausap ko sya non... ni ultimo pag attend ng family swimming malapit smen di nya ako pinayagan natatakot daw kse sya maulit ung ganong case.

Magbasa pa
TapFluencer

Depende po. Ako nung 7weeks, nagpaalam kay OB na pupunta ng Cebu kaya niresetahan nya ako ng pampakapit. Bumili kami pero hindi narin ako tumuloy kasi natatakot ako ๐Ÿ˜… better safe than sorry. kaya kahit sa Amsterdam travel ni husband, 4months na ako pag-alis sana eh hindi narin ako sasama. saka nalang kesa magsisi pa ๐Ÿ˜Š consult your OB nalang para sure lalo na kung maselan ka magbuntis.

Magbasa pa
TapFluencer

Every pregnancy is different from everyone, it is even different from the standards na nababasa sa mga books. Kaya it is best po to seek the professional opionion po of your OBGYNE kasi siya ang nakaka alam ng full history po ninyo. And sya din po ang makaka pag sabi ng tamang opinion sa pag travel po ninyo๐Ÿ˜Š I hope this information finds you well๐Ÿค

Magbasa pa
VIP Member

Nun 1st trimester ako, plan namin mag puerto gallera, di ako pinayagab ni Ob kasi risky daw ang 1st trimester you'll never know what will happened daw. Sabi niya on your 2nd trimester nalang to 3rd trimester pinayagan na niya ko mag out of town. Inform mo lang si Ob mo naka depende kasi sa ultrasound mo and condition kung papayagan ka niya mag travel.

Magbasa pa

Better ask your ob po , in my case pinayagan ako ng ob ko na pumuntang boracay during my first tri , niresetahan nya na din ako ng pampakapit pero not allowed sa mga activities and bawal maglakad ng malayo kase hindi din daw mag eeffect yung pampakapit kung gagawin ko yung mga yon ๐Ÿ˜…

Ako po hindi ako tumuloy kahit lahat settled na ๐Ÿ˜Š Ayaw ko po erisk si baby kahit malaki nagastos namin ok lang kikitain pa naman and it was a the best decision I made dahil nung first utz ko during 7weeks may sub chorionic hemorrhage ako. Pinakinggan ko lang katawan ko ๐Ÿ˜Š

Better ask your OB. Depende kasi yan sa status mo at ni baby. But then di kasi talaga recommended magtravel at first trimester. Usually second trimester pa at dapat di ka high risk pregnancy. But then your OB's opinion padin ang mas maiging sundin.

VIP Member

Depende po kung di kayo maselan. Ako naman Ma, maselan din pero may go signal ako noon sa midwife ko, nag ilocos naman kami non, naka duphaston ako noon. Tapos may pinirmahan lang ako sa cebu pac, Okay naman , nakapag-hiking pa nga ako ๐Ÿ˜‚

nsa katawan nyo po Yan sis Kung di ka maselan go Kung maselan stop ka muna.kc Ako nalaman ko buntis Ako mag two months na pero Ang Gawain ko is normal pa din travel pa din Ako at my pag swimming pa kami.so makapit si baby ko.