Hair Rebond

Okay lang po ba magparebond ang 5months pregnant???

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Bawal yan may chemicals ang mga gamot pang rebond na may masamang epekto sa baby. Personal experience ng mama ko sa akin nung pinagbubuntis daw nya ako ang business nila ay salon. Mama ko nagtitimpla ng mga gamot pang rebond, pangkulot, pangrelax ng hair pati nga mga nail polish sya nagpeprepare. Di nya pa alam na buntis na pala sya sa akin nuon. Nung ipanganak ako weak lungs ako may tubig ang baga at hirap huminga tinaningan na ng ob gyne na within 48 hours at di umayos paghinga ko wala na daw di na ko mabubuhay buti na lang palaban daw ako at kinaya ko yun. Kaya daw nagkatubig lungs ko kasi hindi nagdevelop ng maayos dahil naaamoy ng mama ko yung chemicals sa pang rebond ng hair masyado matapang yun at nakakasira ng ugat sa lungs ng baby. Kaya nung nagbuntis mama ko sa kapatid ko never na sya humawak ng chemicals pang rebond. Mama ko naaamoy nya lang yun how much more kung sya yung nagpaparebond na direkta inaapply sa hair. Mas malala ang epekto nun sa mga buntis na nagparebond. Kaya kung buntis ka po malaking sacrifice yung itigil mo lahat ng luho o routine mo sa katawan. Kagaya ng pagpaparebond, pagpapainject ng mga kung ano anong pampaputi, mga pampahid sa balat para kuminis at kung ano ano pa. Kasi lahat yan may epekto sa baby. Kaya dapat maging maingat sa lahat ng gagawin isipin ang baby bago ang sarili.

Magbasa pa
4y ago

True! Ako nga dati lagi din nagpapakulay ng hair, nagpapawax ng hair sa kili kili, naka make up pagpapasok sa work. Lahat yun tinigil ko simula nagbuntis ako. Kasi natatakot ako na baka may masamang epekto sa baby ang mga ginagawa ko sa katawan ko. Ang pagiging ina maraming sakripisyo at pag aadjust na gagawin para sa anak nya.

hindi po. bawal yan. saka ka na maggaganyan pag mejo malaki na baby mo. makakapag antay naman yan momsh saka mahihirapan ka lang dahil need mo itali hair mo pag nagbebreastfeed ka πŸ˜… sayang lang rebond mo.

Oh no. Bawal po sa mga buntis ang makalanghap ng kahit anong chemical. Pwedeng maapektuhan ang health ni baby

VIP Member

no po. other than buntis, not advisable din maglalabas sa panahon ngayon.

Super Mum

No, better to stay away po from chemicals during pregnancy mommy.

VIP Member

No momi...ung chemical Ng gmot can affect your pregnancy

Bawal. Hintayin mo na lang na matapos kang manganak.

VIP Member

bawal na po magpa rebong hangat buntis πŸ˜„

VIP Member

no Mamsh tiis para sa health nyo ni Baby

Hindi pwede. Chemical yun