Hindi masydo nagttake ng multivitaminsssssss. Hindi kaya itake. Nakaka-suka
Okay lang ba hindi masyado nag multivitamins? Nasusuka po kasi tlga ako parang kalawang? 4months#firstmom #advice #1sttimemom
Sympre HINDI OKAY. ang vitamins ay importante para kay BABY at sa MOMMY. Dahil dalawa na kayo nagaagawan sa nutrients , kaya need ng sapat na vitamins. Kung hindi ka hiyang sa ibang brand pwede ka magsabi sa OB mo para mapalitan ng ibang brand, hindi yung aayaw ka agad isipin mo baby mo. Ganyan din ako nung 1st tri, kahit nakakasuka, nag research at nag isip ng ibang way bumili pa nga ako ng mga ginger candies para lang mabawasan ung pag susuka. It's up to you mommy kung anong way gagawin mo para kahit papano makainom ka pa din.
Magbasa paNeed po natin tiisin yung lasa ng mga gamot kase di lang po tayo yung may need niyan mas need po yan ng baby. If ayaw mo na lasa try to consult your OB para mabigyan ka ng ibang brand. Wag niyo pong isaalang alang yung health ng baby dahil sa lasa ng gamot kase sila po kase ang mas mahihirapan e. If nasusuka po kayo try to chew some bubble gum or kain ka ng skyflakes yan kase nakatulong kase para mawala pagsusuka ko. At kausapin niyo din po yung baby niyo lage
Magbasa patiisin mo mommy, yan ay di para lang sayo mas need yan lalo ni baby yun nalang isipin mo. Nakakasuka talaga lalo pag madami iniinom at ang lalaki ng capsule/tablet. ginagawa ko noon after kumain aantay muna ko 5-15 mins bago uminom tinatakpan ko ilong ko tapos susundan ko ng lychee na jelly ace pangpawala ng lasa at para di ako masuka kasi mabilis ako mabusog kahit tubig lang pag nabusog ako para akong susuka worth it naman walang abnormalities si baby 💗
Magbasa paNEED magtake ng multivitamins. hati ang nutrients sa katawan mo kasi sinusupplyan din ang baby mo. magtry ka ng brand na hihiyang sayo. kung hindi ka magtake parehas kayo ni baby magiging sakitin. normal lang naman na may ganyang lasa. yung lasang kalawang na yan, ay ferrous para yan sa dugo double pumping ang ginagawa ng dugo dahil pati baby mo dinadaluyan din ng dugo. mas ok na uminom kaysa naman maging anemic at baka magsisi pa sa huli.
Magbasa pabetter po i-take mga multivitamins mga mi, lalo na po para sa kapakanan ni baby, need po nating pilitin para po sa wala pong maging problema paglabas ni baby, naging matipid rin kasi ako sa pag iinum ng multivitamins nun at nagsisisi ako ngayong paglabas ni baby kasi nagka problema, 4mos na kasi tyan ko nung nag start ako mag take ng multivitamins dahil maselan rin ako lalo na sa lasa. ngayon, si baby ang kawawa
Magbasa pa20weeks preggy here,nung first trimester di ako nag vitamins folic acid tas pampakapit lang.Nagpacheckup ako kahapon and sad to say maliit si baby kumpara sa age nya :( kaya importante po tlga mag take ng vitamins lalo po sa tulad ko na hindi nakkatulog ng maayos.Hoping na walang masamang epekto ang di ko pgtake ng vitamins.Kaya ngayon tatlong klase iniinom ko.IBERET,CALVIT AT BEWELL C💓🙏😇
Magbasa paKayanin mo mii para sa baby mo. Wag na natin isipin yung nasusuka tayo ang isipin natin para sa baby natin yun. Ako nga po 3 pre natal vitamins tinitake ko reseta ng OB ko ang lalaki pa at iba ang lasa pinipilit ko sinasabay ko na lang sa kape para diko malasahan. Kailangan po ng baby natin ng vitamins kaya inumin niyo po yun.
Magbasa paalam mo ba mi.. ang hndi pag take nang folic, ay pwdeng mka apekto sa growth nang baby mo inside ur womb? base sa mga nresearch ko kaya may mga baby na may cleft, ay dhil sa kakulangan nang nanay sa vitamins na dpat tinatake mo hbng preggy ka. un ay ang folic.. un ang pnka importante sa lahat...
same tau mami.. hnd ko din talaga nainom mga vitamins ko. nag woworry din nga ako kasi maselan ako nung first trimester ko lalo sa lasa at pang amoy. hnd ako nkakakain ng maaus kaya pati vit. wala talaga. lapit na ako manganak,edd ko is october. sana hnd napasama kay baby ang hnd ko pag inom.😔
need po talaga ang vits. first few months hnd rin talaga sya tolerable. ginagawa ko iniinom ko sya kalagitnaan kumain para kasunod ng pag subo ng kanin para mawash agad ung lasa. hanapan mo sya ng paraan pano mo maiinom kc hnd lang para sayo ung vits
✨