Lapit na ako manganak pero di na excited.

Okay ganito kasi mga mommies, nag pa ultrasound ako, and naka frank breech position si baby. Wala na akong ibang narinig kundi mag lakad ka ng maglakad para umayos yang bata dahil mahal ang ma CS,nag lalakad ako to the point na hingal na hingal na ako,sumasakit ang dibdib, at ang sakit na ng mga binti ko, minsan after ko mag lakad sumasakit na puson at likod ko.alam ko po yun mga mi na mahal ma CS dahil na cs ang tita ko at nag labas talaga sila ng malaking pera. Tuwing naririnig ko yung mga salitang ganun, parang mas napapalitan ng kaba at takot, kaba nga ma CS ako at kailangan namin ng pera na waka naman kami at takot na baka ako ng sisihin nila at sabihing di ko naman ginawa ang lahat para umayos yung bata, na baka makarinig ako ng sumbat pag na CS ako. Nakakawala ng excitement as a first time mom😢.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ilang weeks ka na po ba mamsh? May mga cases naman na malapit na sila manganak din pero last minute umiikot pa yong baby nila. Yong iba nga naka sched na sila for CS pero biglang nagli labor kasi naka cephalic na pala si baby. Huwag ka po masyado ma stress, ramdam yan ni baby mo po. Hindi mo po kontrol kung anong magiging position ni baby, dyan po kasi sila komportable sa final position nila. Sabi ng isang ob na napanood ko kahit gano pang exercise mo or postion gawin mo po pag yan talaga gusto na position ni baby mo wala na raw magagawa, all you can do po is to Pray na ma normal delivery ka at ayusin Niya ang position ng baby mo po.

Magbasa pa
2y ago

Mommy, sa case ko, breech si baby at 33wks, cephalic at 35wks, transverse at 37wks. Nagpasched na kami ng cs at 38wks but 2 days before the scheduled cs, umikot pa ulit sya at naging cephalic na. Now, we're just waiting for labor to start and by God's grace, makapagnormal delivery kami when the time comes. Medyo baliktad nga tayo, mi, kasi ako naman, na-condition ko na ang mind ko na mag-cs and no labor pains so kinabahan ako nung nalaman kong normal delivery pa rin ang target namin. :) pero I believe God kniws best kaya ang prayer ko talaga is His will be done, kung anong best para samin ni baby, bahala na sya. Wag ka mawalan ng pag-asa, mi. Magpatugtog ka ng music sa may bandang puson sa umaga at gabi, pag alam mong gising si baby, at ilawan mo ng flashlight para sundan nya yung sound and light. And syempre, sabayan lagi ng dasal. if di rin umikot, lagi mong tatandaan na may plano at dahilan si God. Maaaring yun ang pinaka-safe para sa inyo ni baby. Hayaan mo na mga tao sa paligid a