12 Replies

Naku mommy hindi mo naman kasalanan if Frank breech si baby sabi nga ni ob sila ang mag dedefine if kailan sila lalabas at sila din ang mag dedefine what position sila in your case mommy honestly Frank breech at 32 weeks is mahirap na talaga maka ikot if breech lang pwede pa mag cephalic if lakad ng lakad in your case mommy samahan mo na lang ng diet and more water to lessen the tendency na mas mahirapan si baby lumabas also because you are in 32 weeks ako kasi mommy in my 5-7months breech ang baby ko now I'm currently 35 weeks and 6 days cephalic na si baby samahan na lang natin ng dasal ang safe delivery without complications fightings lang mommy maybe mahal ang CS pero worth it ang baby na ilalabas mo dahil gift ni god yan yun lang god bless wag paka stress mommy think positive God will always be provide

Wag mo po isipin mga sinasabe niLa di naman Lahat ng naka Position na baby nag NonormaL ako nga sa 1st Baby ko naka Position na sya Lalabas naLang inaantay namen ni Hubby pero nung pumutok na panubigan ko at nag Induce nako di paren ako nagLeLabor waLa ko nararamdaman na kahit ano hanggang sa Inoorasan nako ng OB ko at binabantayan na heartbeat ni Baby Imbis na NormaL kami ni Baby Ending is Emergency CS kaming daLawa 😂 NormaL or CS as Long as Ok kayo ni baby Ok na yun Momsh .Ako bill ko is 61k may philhealth ako so yung natira sa 61k na bilL kahit may pambayad naman kami pinaLapit ko si Mister ko sa Mayor at sa mga Konsehal ayun 1k natira sa bilL 🥰 iLapit nalang sa Mayor ang bilL maleless naman yun Mi may DSWD den wag kana mag Worry 💋🥰

May philhealth ako mi kaso di ako naka isang taon malaking tulong sana yun😢 pero praying talaga na mag normal kami ni baby😢

Ilang weeks ka na po ba mamsh? May mga cases naman na malapit na sila manganak din pero last minute umiikot pa yong baby nila. Yong iba nga naka sched na sila for CS pero biglang nagli labor kasi naka cephalic na pala si baby. Huwag ka po masyado ma stress, ramdam yan ni baby mo po. Hindi mo po kontrol kung anong magiging position ni baby, dyan po kasi sila komportable sa final position nila. Sabi ng isang ob na napanood ko kahit gano pang exercise mo or postion gawin mo po pag yan talaga gusto na position ni baby mo wala na raw magagawa, all you can do po is to Pray na ma normal delivery ka at ayusin Niya ang position ng baby mo po.

Mommy, sa case ko, breech si baby at 33wks, cephalic at 35wks, transverse at 37wks. Nagpasched na kami ng cs at 38wks but 2 days before the scheduled cs, umikot pa ulit sya at naging cephalic na. Now, we're just waiting for labor to start and by God's grace, makapagnormal delivery kami when the time comes. Medyo baliktad nga tayo, mi, kasi ako naman, na-condition ko na ang mind ko na mag-cs and no labor pains so kinabahan ako nung nalaman kong normal delivery pa rin ang target namin. :) pero I believe God kniws best kaya ang prayer ko talaga is His will be done, kung anong best para samin ni baby, bahala na sya. Wag ka mawalan ng pag-asa, mi. Magpatugtog ka ng music sa may bandang puson sa umaga at gabi, pag alam mong gising si baby, at ilawan mo ng flashlight para sundan nya yung sound and light. And syempre, sabayan lagi ng dasal. if di rin umikot, lagi mong tatandaan na may plano at dahilan si God. Maaaring yun ang pinaka-safe para sa inyo ni baby. Hayaan mo na mga tao sa paligid a

mi yung kakilala ko po sa public hospital sya nanganak sa Jose reyes wala po sya binayaran CS din sya may Philhealth po sya and yung natira sa bill nilapit ng partner nya sa malasakit , kahit na nicu anak nya wala sila binayaran. kumg hindi po talaga iikot si baby wala po tayo magagawa pray kalang mi and kausapin mo sya.

If ang concern mo mi ay yung bayarin sa pagpapa CS then go for public hospital meron tayong tinatawag na Malasakit or Philheath, tapos tip ko lang tumingin ka ng position sa google pano mapa change position si baby aside from that mgpapa music ka sa may puson area ganyan ginawa ko from breech to cephalic.

VIP Member

just simply whisper to your child mommy... it will really help... don't mind po ang sinasabi nila.. it's between you and your baby.. have faith in God and just simply talk to your baby often... 😊 2x ko na po naexperience yan... 1 week na lang pero breach pa si baby pero prayers lang po at kausap kay baby... 😊

Ganun gingawa ko mi umaga at gabi, nag mamakaawa ako sa kaniya na sana umikot na siya.😢

sa fabella mhie dun ako manganganak sa 2nd ko dinadala this Aug libre doon walang bayad. Try mo po pacheckup doon and alam ko need po blood donor kng wala ka mahanap wala po sla magagawa tatanggapin ka po nila. NSD po ako sa anak kong una. Wala po ako binayaran ni singko po.

magpublic ka kung ma-cs ka. ako nga magpublic lang pag nanganak. bakit ka mawawalan ng gana dahil lang sa ma-cs ka. ang pera napapalitan or nagagawan ng paraan pero ang buhay ng bata hindi. dami daming paraan para dika magbayad ng malaki. tyaga lang kailangan mo.

true kng public ,zero bal kng may lingap

Nkakainis nga yang ganyan kya ako umalis ako sa byenan ko ano mgagawa kng cs tlga lhat nmn ginagawa natin kng ayaw nkakarindi ang ganyan umaga plang mkita k nila lakad dw ng lakad

Isa din yang partner mo kng di mki cooperate sayo panu nlng sna maisip din nya sitwasyon mo

first time mom din po ako 37 weeks and 5days. HINDI KA PO NAG IISA MHIE. FIGHTING LANG ! STRESS DIN AKO SA PAMILYA KO. 🤣🤣🤣

KAYA NGA WAG MO SILANG UNTINDIHIN. LABAS KABILANG TENGA NALANG. AKO NGA MISMONG PAMILYA KO NA NAGSASABI NA HINDI NILA AKO TUTULUNGAN SIMULA NUNG NA BUNTIS AKO GANG NGAYON NA MALAPIT NA MANGANAK KAYA TULUNGAN KAMI NANG PARTNER KO EH KAHIT MAHIRAP LABAN PADIN 😅. BE POSITIVE LANG MHIE. SABI NGA NI LAYLA SA ML "WE CAN DO IT!" 😅

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles